Alamin ang hatid na kahulugan at mensahe ng ‘Selfie Black and White Challenge’

Nagkalat ang mga Black and White na larawan ng mga kababaihan sa kanilang social media kagaya ng Facebook at Instagram na kung saan ay may mga caption na “Challenge Accepted”.

Ang ilan naman ay nagtataka kung para saan nga ba iyon at bakit babae lamang ang gumagawa at hindi kabilang ang mga kalalakihan?

Ayon sa ilan, isa lamang ito sa mga pauso sa kasalukuyan. Ngunit kung ating titingnan, umabot na sa 3.7 million ang gumagawa nito.

Hindi lamang iyon, maging ang mga sikat na personalidad at kilalang mga aktres ay nakikiisa din kagaya na lang nila Kerry Washington at Jennifer Garner.

Ang mga models na sina Ashley Smouter at Cindy Crawford at ang sikat na sikat na si Khloe Kardashian na napag-alamang itinag ni Vanessa Bryant na asawa ng yumaong basketball player na si Kobe Bryant.

Habang dito naman sa Pilipinas ay nangibabaw ang mga larawan nina Solenn Heussaff, Maine Mendoza at Angel Locsin na mayroon ding caption na “Challenge Accepted”.

Ito daw ay para sa “women building up other women (sa IG).” Kung iyong isesearch sa Google, lalabas na ito pala ay isang challenge sa social media campaign noon pang 2016 na ang pakay ay ang makapag bigay kamalayansa mga lumalaban sa sakit na c@ncer.

Ayon sa ilan, nauso daw muli ito dahil sa nakaraang development sa US politics na kinasangkutan ni Alexandra Ocasio Cortez.

Marahil dahil madami ang mga nag share ng video ni Cortez ukol sa pag didiskriminang komento ni Congressman Ted Yoho sa kaniya at kapwa babae.

Kaya naman iyon ang naging dahilan kung bakit umusbong muli ang female empowerment.

Ang iba naman ay nag sasabi na ang challenge ay nagmula sa isang pr0testa ukol sa mga Turkish women.

Lalo pa itong pinatindi ng isang brut@l murd3r sa isang 27 taog gulang na estudyante na si Pinar Gulteki. Ito ay para gayahin ang black and white na mga larawan ng mga biktima ng femicide sa mga bansang Eurasian.

#ChallengeAccepted⁣⁣People in Turkey wake up daily to see a black and white photo of a woman who has been…

Posted by Tarang Chawla on Tuesday, July 28, 2020

Ayon sa isang twitter post mula kay @Imaann_patel “stand in solidarity with the women we have lost. To show that one day, it could be their picture that is plastered across news outlets.”

Doon din lumabas ang mga hashtags na #kadınaşiddetehayır and #istanbulsözleşmesiyaşatır na ang ibig sabihin ay “Say no to vi0lence against women” and “Enforce the Istanbul convention,”.

Samantala, binigyang diin naman ng writer na si Taylor Lorenz ang mensahe niya na “Like the black square, which became a symbol of solidarity with Black people but asked very little of those who shared it, the black-and-white selfie allows users to feel as if they’re taking a stand while saying almost nothing,” she writes.

“Influencers and celebrities love these types of ‘challenges’ because they don’t require actual advocacy, which might alienate certain factions of their fan base.”

Ang pagtanggap ng challenge na ito ay hindi lamang para makapag post ng isang maganda at hot na pictures kung hindi para sa mga tao hindi lamang sa babae kung hindi pati na din sa mga lalaki pagkat ang bawat isa ay may kakaibang katangian na dapat ipagmalaki at hindi ikahiya.

Sana sa mga ganitong challenge ay makiisa base sa tunay nitong kahulugan at nais iparating sa lahat. Ugaliing alamin ang layunin nito at huwag lang basta magpasikat.

Since a lot of you have been doing the B&W filter challenge, I think we are compelled to get ourselves informed of what…

Posted by Vin Cent on Tuesday, July 28, 2020

The post Alamin ang hatid na kahulugan at mensahe ng ‘Selfie Black and White Challenge’ appeared first on One Blog Insider.


Source: One Blog Insider

Post a Comment

0 Comments