Netizen, ibinahagi ang kanyang natuklasan upang mapabilis ang signal ng Internet Connection na walang kahirap-hirap

Mayroon isang netizen na nagbahagi ng kanyang pamamaraan para sa mga mahihina ang internet connection siya ay si Shawn Matiz.

Ayon sa kanya sobrang dali lang nito at kayang matapos ng ilang oras lamang at ang maganda dito ay hindi mo na kailangan gumastos ng malaking halaga. Dagdag pa niya na ito at isang ‘ Do It Yourself’ na Wifi Booster.

Sa kanyang post :

“Sa mga may problem po kay Home Wifi, mahina ang signal, share ko lang po yung resolution ko. (sorry labo po ng pic)

Kagabi to nangyari parang accident lang, dapat yung foil na yan nasa ilalim ng router, then tinanggal ko tapos nilipad ng fan, so ayun dko na sya ginalaw.

Requirement:

1. Aluminium/Aluminum Foil ( wala eto lang )

Width ay twice ng sukat ni router, tapos naka fold po. Height naman ay lampas ng 2 inch sa height ni router, tapos slightly bent. Nakasandal lang yung foil, and then yung naka bent na part acting na parang bubong sya sa grille ni router, pag tinanggal ko yan naku po! 1 bar na putol putol pa ang calls ko. Sana po makatulong, Cheers!”

Samantala, kahit ito ay hindi sinasadya na matuklasan ni Matiz, may mga websites na may mga article na nagtuturo din nga mga ganitong technique para mapabilis ang internet connection.

Ang iba pa ngang websites ay nagtuturo sa tamang pwesto o paglagay ng router. Ang isa dito ay paglagay ng router sa mga open space kung saan walang harang at dapat ay nasa mataas na lugar. Dapat ay sakto lang ang device na naconnect dito para maging maganda talaga ang connection.

Tulad naman ng Tip na ibinigay ni Matiz, ang paglalagay ng aluminum foil ay isang alternatibo ring wifi booster kung saan ikakabit ito sa antenna ng router para mapalakas nito ang signal lan nanasa loob ng bahay.

The post Netizen, ibinahagi ang kanyang natuklasan upang mapabilis ang signal ng Internet Connection na walang kahirap-hirap appeared first on One Blog Insider.


Source: One Blog Insider

Post a Comment

0 Comments