Isa sa sikat na sikat na inumin ngayon sa buong mundo ay ang milktea na kung saan may iba’t ibang pagpipiliang flavors at “add- ons” na tinatawag.
Karaniwang sangkap nito ay ang tapioca pearls o ang boba. Isa ito sa nagpapasarap ng milktea kaya talaga namang nakakaadik itong inumin.
Ngunit lahat ng sobra ay masama. Kagaya na lamang ng isang lalaking ito na ang kaniyang pag inom ng malamig at matamis na milktea ay siya ding nagsilbing mapait na karanasan sa kaniyang kalusugan.
Hulyo pa lamang ay nakaramdam siya ng kakaibang pananakit ng tiyan na kung saan talagang siya ay namamalipit na sa sakit sa loob ng 20 araw.
Sa pagtagal ng panahon ay hindi bumubuti ang kaniyang kalagayan kaya naman nag punta muna siya sa isang klinika pagkat naniniwala siyang isa lamang iyong pangkaraniwang pagsakit ng tiyan
Ngunit noong Agosto ay isinugod na siya ng kaniyang pamilya sa ospital dahil sa hindi makayan ang sakit.
Nang suriin ng eksperto ang kaniyang kalagayan, napag alaman na siya ay mayroong sakit sa bituka o ang tinatawag na “intestinal obstruction”.
Ayon pa sa doctor, siya daw ay hindi natunawan at nagbara ito sa kaniyang bituka pagkat ito ay matigas at buo buo pa.
Kinailangang sumailalim sa isang 0perasyon ang binata para mailigtas ang buhay nito. Nang isagawa ang 0perasyon ay natagpuan nila ang kumpol ng mga malalaking bloke ng tapioca starch.
Tinuklas nila ang mga posibleng dahilan kung bakit nagkaganoon ang binata. Iyon pala ay nagtatrabaho siya sa isang milktea shop na kung saan madalas siyang uminom ng bubble tea.
Sa katunayan, imbis na tunay na mga pagkain ang kaniyang kinakain, tanging bubble tea lang ang kaniyang iniinom para mabusog.
Dagdag pa ng d0ctor, Malala daw ang naging kalagayan ng binata dahil sa pag-inom ng bubble tea higit 3 beses isang araw.
Mabuti na lamang daw at hindi nahuli ang lahat para sa 0perasyon ng binata at agad naalis ang malaking bara sa kaniyang bituka dahil maaari daw itong humantong sa kawalan ng buhay.
Lubos na ipinagbabawal ng d0ctor na masobrahan sa pag-inom ng bubble tea pagkat maaari itong bumara sa iyong bituka at ma-impeksy0n at nekr0sis
The post Binata palaging umiinom ng milktea tatlong beses isang araw, nanganib ang buhay matapos magkaron ng maIubhang pagbara sa bituka appeared first on One Blog Insider.
Source: One Blog Insider
0 Comments