Nito lamang ika-10 ng Setyembre, Huwebes at alas 6:33 ng umaga, tuluyan nang isinilang ng aktres na si Coleen Garcia-Crawford ang kanilang panganay na anak ni Billy Crawford, si baby Amari.
Ibinahagi ni Coleen ang magandang balita na ito sa kanyang Instagram account kung saan, nagbahagi rin ito ng kanyang mga larawan habang nanganganak sa paraang ‘unmedicated water birth’ sa kanila mismong tahanan.
“There’s so much I wanna say, but for now, I just want to praise God for being so so good. Thank you, Lord, for our beautiful Amari,” ani pa ni Coleen.
Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi rin ni Coleen ang ilan pa sa mga pangyayari bago at pagkatapos nitong manganak.
Apat na oras umano ang itinagal ng pagla-labor ng 27 taong gulang na aktres bago maisilang ang kanilang panganay. Dagdag pa ng aktres, hindi umano ito uminom ng anumang pain killers na siyang muntik na umano nitong pagsisihan.
Ngunit, sa kabila nito ay matagumpay niyang naisilang ang anak sa pamamagitan ng water birth.
“Unmedicated water birth at home!
“For a while there, towards the end, i was really regretting the decision to skip pain killers lol but i’m so happy i did it this way. No tearing thanks to the water! I loved the water,” pagbabahagi pa ni Coleen.
Maliban dito, pinasalamatan din ni Coleen ang kanyang asawang si Billy. Aniya pa,
“Thank you for the massages and for being the most supportive husband! I appreciate u.”
Dahil sa magandang balita na ito, agad naman na nagpaabot ng pagbati para kina Coleen at Billy ang kanilang mga malalapit na kaibigan at pamilya sa loob at labas ng showbiz. Maliban sa saya sa tuluyang pagsisilang ni Coleen sa kanilang baby Amari, bumilib din ang mga ito sa paraan ng panganganak ng aktres.
“CONGRATULATIONS CRAWFORDS! We can’t wait to meet baby boy Amari,” pagbati pa nga ng malapit nilang kaibigan at nanay na rin na si Anne Curtis.
“Praise God!!!! You are so blessed!!! Congratulations!!!!,” saad naman ni Vice Ganda para kina Billy at Coleen.
“Congratulations, @coleen & @billycrawford! excited na akong malambutching si Amari!!!,” ang ani naman ng aktres na si Angel Locsin.
“You are amazing!!!!!!! I admire you so much!!!!! God is great!!!! Congratulations,” ang saad naman ng mommy na rin na si Mariel Padilla.
“Congratulations on a successful water birth! Wow! So Happy for you and Billy Joe!!!,” ang mensahe naman sa mga ito ni Iza Calzado.
Maliban sa mga ito, ang ilan pa sa mga celebrity na nagbahagi na rin ng pagbati para kina Coleen at Billy ay sina Kim Chiu, Jodi Sta. Maria, Isabelle Daza, Michelle Vito, Luis Manzano, Sam Concepcion, Teddy Corpuz, Tim Yap, Solenn Heusaff, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Sofia Andres, Ruffa Gutierrez at iba pa.
Kung matatandaan, limang buwan nang buntis si Coleen nang pormal nilang inanunsyo ni Billy sa publiko ang kanyang pagbubuntis. Inanunsyo nila ito noon lamang unang araw ng Mayo. Mahigit dalawang tao na ngayong kasal sina Billy at Coleen.
Source: facebook
Source: Kiat Media
0 Comments