Dawn Zulueta, May Hirit sa ‘KJ’ na Linya Umano ni Agot Isidro kay Jinkee Pacquiao

Sa Instagram, nagbahagi ang aktres na si Dawn Zulueta ng isang larawan nito na nakasakay sa isang bike o bisikleta. Dito, isang komento mula sa isang netizen ang kumuha sa atensyon ng aktres.

“Konting sensitivity naman pOe maam dawn. Hindi lahat po tayo ay nakakalabas ng bahay at hindi lahat tayo ay may ganyang kagandang kutis…,

“kapag nakita po yan ni Agot, naku po. hahahaaa char ganito pala feeling ng basher mo mama, nakakakilabot,” ani pa ng netizen na ito kay Dawn.

Ang tinutukoy dito ng naturang netizen ay ang ibinahaging komento dati ni Agot Isidro sa mga bike naman ni Jinkee Pacquiao. Kung matatandaan, naging trending dati si Agot dahil sa naging pahayag nito tungkol sa dalawang mamahalin o luxury bikes ni Jinkee na ibinahagi nito sa social media.

Dahil sa komentong ito ng naturang netizen sa IG post ni Dawn, natawa na lamang ang aktres at pabiro din itong sinagot. Ani pa dito ni Dawn,



“ang killjoy di ba?”

Ngunit, natawa man sa komentong ito ng naturang netizen, idiniin naman dito ng aktres na huwag na lamang umanong isama ang pangalan ni Agot.

“pero wag na natin isama si Agot sa usapan. Natawa lang ako sa “basher” mode,” dagdag pa ng aktres.

Hindi nagustuhan dati ng mga netizen ang umano’y hindi magandang naging pahayag ni Agot sa asawa ng pamabansang kamao at senador na si Manny Pacquiao dahil lamang sa pagbabahagi ni Jinkee ng larawan ng kanilang mamahaling mga bisikleta. Sanaturang larawan, makikita ang dalawang bisikleta ni Jinkee na galing sa luxury brands na Louis Vuitton at Hermes.

Kung matatandaan, tinawag niya pang ‘nouveau’ ang mga ito na isang hindi magandang salita para ilarawan ang mga umano’y bagong mayaman.

Ani dati ni Agot, wala raw siyang pakialam sa yaman na mayroon ang mga Pacquiao ngunit, sana raw ay magpakita ang mga ito ng kaunting ‘sensitivity’ dahil marami raw ang mga nagugutom.

“Alam namin na marami kayong pera. At kung ano ang gusto ninyong gawin sa pera na yun, wala kaming pakialam…,

“Pero marami rin ang walang trabaho at nagkukumahog humanap ng pera para may pakain sa kanilang pamilya. Puede ba, konting sensitivity man lang? #nouveau,” ani pa dati ni Agot.

Ayon naman kay Jinkee, ang naturang mga bisikleta ay regalo lamang umano sa kanila ng kanilang mga kaibigan.

Binatikos naman si Agot ng mga netizen dahil dito na umano’y nakikialam sa buhay ng iba. Ani ng mga ito, ang yaman na mayroon ang mga Pacquiao ay pinaghirapan nila at hindi galing sa masama kaya ‘deserve’ ng mga ito ang buhay na mayroon sila ngayon. 

Dagdag pa ng mga ito, wala umanong karapatan ang aktres na magbigay rito ng opinyon at mas lalong mang-insulto sa mga ito. 

Sa panahon namang ito ng pandemya, sobra sobra na umano ang naitulong, naibigay, at naipamahagi ng mga Pacquiao sa mga tao kaya ang hinihiling daw nitong ‘sensitivity’ ay hindi na kailangan. Kailanman ay hindi umano nagdamot ang mga Pacquiao sa mga nangangailangan.


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments