Hindi raw Magandang Pag-uugali ng Isang Assistant Principal, Binatikos sa Social Media!

“GANITO BA DAPAT ANG ASAL NG ISANG ASSISTANT PRINCIPAL NG ISANG PAARALAN?

#YESTOACADEMICFREEZE

Ito ang naging saad ng isang Facebook page patungkol sa isa nitong trending post kung saan, ibinunyag nito ang hindi umano magandang pag-uugali at pagtugon ng isang assistant principal sa maayos na tanong ng isang estudyante.


Sa naturang Facebook post, makikita ang screenshot sa messenger ng isang pag-uusap sa pagitan ng isang assistant principal at isang estudyante sa paaralan na kanyang pinagtatrabahuan.


Dito, tinanong ng estudyante ang naturang assistant principal kung nasa listahan na ba umano ito ng mga enrolled na estudyante sa kanilang paaralan.


Ngunit, imbes na maayos na sagutin ang tanong na ito ng estudyante, hindi naging maayos at nagmistulang perwisyo pa umano sa assistant principal ang pagme-message na ito sa kanya ng naturang estudyante.



Matapos sagutin ang tanong ng naturang mag-aaral, sinabihan niya ito na huwag daw siyang i-message dahil hindi naman daw ito ang namamahala sa enrollment. Pinagbantaan niya rin ang estudyante na ibo-block sa messenger dahil sa ginawa nitong pagtatanong sa kanya tungkol sa enrollment.


Kagaya ng naging payo ng naturang assistant principal, nagmessage ulit ang estudyante sa Facebook page ng namamahala umano sa enrollment ng kanilang paaralan.


Ngunit, imbes na makatanggap ng maayos, pormal, at ‘student-friendly’ na sagot, maging dito ay makikita na hindi rin maayos ang pakikitungo sa kanya ng naturang Facebook page.


Pinagalitan pa nga nito ang estudyante dahil sa ginawa umano nitong pagmemessage sa kanilang assistant principal na umano’y isang abala. Saad pa nito sa estudyante,




“Tsaka pwede ba ‘wag ka nagmemessage sa personal FB ng Assistant Principal namin. Late ka na nga nag-enroll, inaabala mo pa siya… 


“Alam mo ba ‘yung konsepto ng personal space? Ikaw lang ang aplikante na dumidiretso sa kanya ah… 


“Special ka ba?”


Depensa naman dito ng estudyante, nagawa lamang umano niya iyon dahil alam niya na ang mga nasa taas lang ang makakasagot sa kanyang mga tanong.


Hindi naman ikinatuwa ng mga netizen ang naging pangyayaring ito na umano’y hindi dapat na pag-uugali ng isang assistant principal o kahit na sinong empleyado ng isang paaralan. Wala umanong masama sa kagustuhan ng estudyante na malaman ang tungkol sa enrollment nito lalo na’t nagkakalituhan pa ang sistema dahil sa pandemya.



Nakakalungkot umanong malaman na ganito ang paraan ng pakikitungo ng mga paaralan sa kanilang mga mag-aaral. Imbes na palakasin ang loob ng mga mag-aaral ay mas nawawalan pa umano ng gana ang mga ito na mag-aral dahil sa ganitong pag-uugali ng mga namumuno sa eskwelahan.


Ito rin marahil umano ang dahilan kung bakit karamihan sa mga mag-aaral ay hirap o takot na lumapit sa mga nakakataas o namumuno sa kanilang mga paaralan.


Heto pa ang ilan sa naging pahayag ng mga netizen tungkol dito:


“Matanggalan sana ng trabaho mga ‘yan. Hirap na nga mga estudyante ngayon dagdag problema pa kayo, mga s*raulo.”


“Sir, sana you commended the student man lang for submitting whatever is needed and/or due. Ang maldita agad ng atake… Ang rude. Just, rude. Smh.”


“Not deserving to be in a higher position. 


“Imagine receiving ‘special kaba?’ from your school's fb page na supposedly i-guide ka with kindness to develop good rapport and ambiance sa school n’yo. I'm not expecting quality education kung manners palang wala na.”


Source: facebook

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments