Bentang-benta sa mga netizen ang ibinahaging Facebook post na ito ng isang lalaki galing Cebu kung saan, napagkamalan itong ama ng ipinagbubuntis ng isang babae na hindi naman nito kilala.
Biro pa ng netizen na ito, ‘flying d*ck’ ikanga raw ang nangyari ‘pag nagkataon na ito umano ang naging ama ng ipinagbubuntis ng naturang babaeng netizen.
Sa naturang Facebook post, ibinahagi ng netizen na si John Rey ang mga screenshot ng pag-uusap nila ng isang hindi nito kilalang babae.
Dito, bigla na lamang umano siyang minessage ng naturang babae at sinabing tatlong buwan na raw itong buntis. Ipinagdidiinan din nito kay John Rey na panagutan ito at ang kanyang ipinagbubuntis.
Dagdag pa ng babae, ginusto naman daw kasi nilang dalawa ang nangyari kay dapat lamang daw na panagutan siya nito. Natatakot na din daw ito na ibunyag sa kanyang mga magulang ang kanyang pagbubuntis dahil baka palayasin siya ng mga ito.
Wala namang kaalam-alam si John Rey sa pinagsasabing ito ng naturang babae kaya gulat na gulat itong sumagot dito.
Natawa na lamang dito si John Rey at tinanong ang babae kung taga-saan ba daw ito.
Ani naman ng babae, taga-Santander umano ito, isang probinsya sa Cebu, habang si John Rey naman ay nakatira sa Mandaue, isang syudad sa Cebu.
Kaya naman, dahil dito, ang malaking tanong para kay John Rey ay bakit siya pinaparatangan ng naturang babae na ama ng kanyang anak gayong bukod sa hindi sila magkakilala, ang layo layo din umano ng Santander sa Mandaue.
Tanong dito ni John Rey, lumipad ba umano ang ari nito papuntang Santander kaya siya nabuntis nito?
Dahil sa tanong na ito ni John Rey, agad naman na napagtanto ng babae na ibang John Rey pala umano ang kanyang tinutukoy. Magkapangalan daw kasi ang dalawa kaya inakala ng babae na ito ang ama ng kanyang ipinagbubuntis.
Kaya naman, agad na humingi dito ng tawad ang naturang babae.
Para naman kay John Rey, nahimasmasan din umano ito matapos malinaw ang nakakagulat na akusasyon sa kanya ng naturang babae. Ani pa nga nito, muntik na umano siyang maging ama nang wala sa oras o nang wala man lang siyang kaalam-alam.
Marami naman ang natawa sa nangyaring ito kay John Rey kaya naman agad naging trending ang Facebook post niyang ito. Bentang-benta para sa mga netizen ang nangyaring ito kay John Rey na wala umanong kaalam-alam sa mga akusasyon sa kanya.
Sa ngayon, ang Facebook post niyang ito ay umani na ng mahigit sa 12 000 reaksyon na karamihan ay nakakatawa habang umabot naman na sa 22 000 ang mga shares na nakakalap nito.
Ayon sa mga netizen, tawang tawa umano ang mga ito sa sinabing ‘flying d*ck” o lumipad na ari ni John Rey na baka raw siyang dahilan kaya pinagbibintangan siya ng naturang babae.
Natatawa umano ang mga ito sa diretsahang akusasyon dito ng naturang babae na hindi umano muna sinigurado kung tamang tao ba ang pinadalhan nito ng naturang mensahe at mabigat na akusasyon.
Source:
facebook
Source: Kiat Media
0 Comments