Hindi nagustuhan ng isang netizen mula Basilan ang ginawa umanong pamamahiya ng isang online seller sa kanyang amang pulis na tinawag daw nitong ‘bogus buyer’.
Ayon sa naturang netizen, na-delay lamang umano ang pagpapadala nila ng bayad sa naturang online seller dahil pahirapan ang paghahanap ng signal sa Basilan. Mayroon itong mga ebidensya na nagpapatunay na magpapadala na sana ito ng perang pambayad ngunit, hindi nito magawa dahil sa kawalan ng signal ng mga remittance center sa kanilang lugar.
“Ma-late lang ng ilang oras sa napag kasunduan na oras, i po-post ka agad ng BOGUS BUYER! Naturingan kang isang muslim, naka-tirung ka pa tapos mamamahiya ka ng tao?
“Hindi namin sinabi na i-cancel yung order, sinabihan ka lang namin na mahina ‘yung signal dito samin. Pero nasa ML remittances parin ako para maipadala yung pera sayo,” ani pa ng netizen na ito sa kanyang Facebook post.
Maliban sa pamamahiya umano ng seller na ito sa tatay niyang pulis, ayon sa netizen ay nagbanta rin umano ito na tatanggalin ang kanyang tatay sa serbisyo dahil sa ginawa nito. Pagmamalaki pa ng naturang seller, mayroon umano itong mga kakilala sa Camp Crame na maaring makatulong sa kanya na gawin ito sa tatay ng netizen.
Ipinagdiinan din nito sa netizen na isa umano itong ‘professional’. Bilang isang doktor ay nag-aasikaso raw ito ng kanyang mga pasyente habang inaasikaso ang kanyang mga kustomer. Kaya naman, ayaw umano nito sa mga ‘manloloko’ katulad ng tatay ng naturang netizen. Ito ay matapos na ipaliwanag ng netizen na hindi sila mga manloloko.
Sa katunayan, ani ng netizen ay ilang beses umanong ipinaalala sa kanya ng kanyang tatay na ipadala na rito ang bayad kahit mayroong problema sa mga remittance center dahil sa signal.
“You even threatened me na kaya mong paalisin sa pagka Pulis ang papa ko? Ngayon ko lang alam nasa inyo pala ‘yung batas. Madami kayong connections sa camp crame at kayang kaya mo paalisin sa serbisyo ang papa ko? Wow! sayo na nanggaling na professional ka. Yes, you’re a professional but it seem you’re lack of manner doc…
“Sasabihan mo papa ko na sinungaling? For your information girl! Hindi ganon papa ko, hindi lang ikaw yung na orderan ng papa ko madami na pero walang case sa kanya na bogus buyer siya! Sayo lang na late lang bogus buyer agad,” dagdag saad pa ng naturang netizen.
Ayon pa sa nasabing netizen, isa rin umano siyang online seller ngunit hindi kagaya ng tinutukoy niyang seller, hindi umano siya umaabot sa punto na namamahiya siya ng tao dahil alam niyang hindi ito tama.
Sa ngayon, ang Facebook post na ito ng nasabing netizen tungkol sa naturang online seller ay umani na ng halos 3,000 reaksyon kung saan karamihan ay galit at dismayado rin sa nasabing online seller.
Ani pa ng mga ito, naturingan pa umanong propesyonal ang naturang seller ngunit hindi umano kita sa ugali nito ang kanyang pagiging propesyonal. Kaya naman, hindi maiwasan ng mga ito na manggigil umano sa pag-uugali ng naturang seller.
Source: Kiat Media
0 Comments