Ang Japan ay kilala rin bilang “Land of the Rising Sun”. Aakalain mo ba na libreng ipinapamigay ang ilang mga tahanan sa Japan o di kaya naman ay binebenta ng mayroong malalaking diskwento?
Ito ay upang mahikayat ang maraming mga tao upang punan ang problema ng Japan patungkol sa mga bahay na inabandona na. Taong 2013 ay higit na sa walong milyon ang mga abandonadong bahay dito.
Malaking problema ito ng pamahalaan dahil sa inaasahang bababa na ang kanilang populasyon mula 127 milyon hanggang 88 milyon na lamang sa taong 2065 ayon sa National Institute of Population and Social Security. Dahil sa datos na ito ay mas magiging kakaunti pa ang mga taong mangangailangan ng mga bahay.
Kung kaya naman naisipan ng pamahalaan na magpamigay na lamang ng ilan sa mga milyong kabahayan na abandonado na. Ilan pa sa mga ito ay ibinebenta na lamang sa mas mababang halaga o di kaya naman ay bibigyan pa ng “subsidy” ng gobyerno.
Mayroon ding tinatawag na “Akiya Banks” na isang database na tumutulong sa mga tao na naghahanap ng nais nilang tahanan. Ayon sa ilang mga ulat, ang mga presyo sa database na ito ay mas mataas pa sa 30 milyong Yen o halos $360,000 Australian dollars.
Mayroon din namang mga nakalista sa ilalim ng “Gratis Transfer” na nangangahulugang “zero yen”. Basta’t magbabayad lamang ang taong nais kumuha ng bahay ng ilang mga buwis at “agent commission fee” ay tiyak na magiging kaniya na ang naturang bahay.
Kung nais mong magkaroon ng sarili mong tahanan ay kinakailangan mo lang ng “permanent resident visa”. Upang magkaroon ka nito, dapat ay isa kang “highly-skilled immigrant” o di kaya naman ay mayroong job offer para sa iyo.
Source: Keulisyuna
0 Comments