Dahil sa sobrang pagkainip sa bahay nitong quarantine, natuklasan ng netizen na ito ang ilan sa mga lumang larawan sa kanilang bahay na nasa ilan pang mga film strip.
Ang mga larawan umano sa mga film strip na ito ay kinunan pa noong mga taong 1980’s o 1990’s kaya naman, inalam ng netizen na si Jh-Arland Pasion kung paano umano mare-restore ang naturang mga larawan.
Sa pamamgitan ng panonood ng mga ‘tutorials’ sa Youtube ay nadiskubre umano ni Pasion kung paano ito gawin kaya naman naisipan nito na ibahagi na rin sa social media ang kanyang natuklasan.
“So dahil quarantine sa sobrang ka boringan ko hinalungkat ko mga gamit sa bahay namin hanggang sa nakita ko itong lumang picture ng tito ko wayback 80's or 90's ata edi ako nacurious kung ano ba tawag dito at kung possible pa ba na mai-recover yun sa bahay lang…
“so nanood ako sa YouTube ng mga DIY Tutorials kung pano i-recover and muka namang effective kaya ii-share ko sainyo itong natutunan ko para masubukan niyo din na maiayos pa mga luma niyong litrato nuon,” ani pa ng naturang netizen.
Ang mga hakbang na ito ni Pasion ay upang hindi na umano kailangan pang gumastos ng mga tao na gustong magkaroon ng kopya ng luma nilang mga litrato o larawan.
Heto ang mga hakbang na ito na ibinahagi ni Pasion:
- Kunin mo yung negative film strip photo na gusto mo i-recover.
- Kumuha ng extra smartphone tapos mag download ng white background then buksan mo yun sa gallery mo.
- Ipatong mo yung negative film strip photo sa extra smartphone na naka bukas yung white background.
- Taasan mo yung brightness para mas makita ng malinaw at picturan mo na ng malapit.
- Punta ka sa PicsArt o kahit anong editing app pwede basta yung may negative effect and enhance tool sana. Mas maigi ding gamitin ang app na Adobe Photoshop or Lightroom (Desktop or Mobile)
- Tapos punta ka sa "Effects".
- Hanapin mo naman ngayon yung "Color".
- Hanapin mo naman yung "Negative" then i-click mo yun.
- Pag tapos mo gamitin yung negative filter ganyan na ang itsura niya dapat (see sample photo) then punta ka naman ngayon sa tools ulit.
- Punta kang "Adjust" for image enhancement. (Brightness: +10 Contrast: +50 Saturation: -50 Highlights: -5 )Shadow: +15
- Eto na ngayon yung itsura after mo mai-enhance yung image. (see sample photo)
- Punta ka naman ngayon ulit sa tools tapos hanapin mo yung crop.
- Adjust mo yung slider para pumantay yung picture in my case 4.0 degree angle then i-crop mo na ng maayos yung picture nalang na kita.
- Then dapat ganito na kalalabasan niya at i-save mo na. (see sample photo)
Dahil sa Facebook post na ito ni Pasion, maraming mga netizen ang nabigyan ng ideya na hanapin at ayusin ang ilan sa lumang larawan ng mga ito sa mga film strip.
Ayon sa mga ito, malaking tulong umano ang natuklasang ito ni Pasion dahil hindi na umano nila kailangang gumastos pa para sa digital restoration ng kanilang mga lumang larawan.
Tingnan at basahin dito ang buong mga hakbang at payo ni Pasion tungkol sa muling pagbibigay buhay sa mga lumang larawan sa film strip:
Source: facebook
Source: Kiat Media
0 Comments