Tipikal na para sa karamihan na marinig ang kasabihang ‘Matagal mamatay ang isang masamang damo’. Ibig sabihin, mas matagal umano ang buhay ng mga taong hindi gaanong mabubuti.
Ngunit, iba ang iminumungkahi ng isang pag-aaral na ito na lumabas kamakailan lang.
Sa naturang pag-aaral na pinangunahan ni Tobias Vogt, isang assistant professor sa Faculty of Spatial Sciences ng University of Groningen, ang mga tao umano na mababait at mapagbigay sa kapwa ay mas nabubuhay ng matagal kaysa sa karaniwang tao.
“At the beginning of life you are reliant on others. It’s a good idea to help others throughout the course of our lives,” ani pa ni Vogt.
Sa kanyang pag-aaral na isinagawa sa 34 iba’t-ibang bansa, napatunayan ni Vogt na ang mga tao umano na nagbabahagi o nagbibigay ng mahigit sa 50% ng mayroon sila sa iba ay mas nabubuhay ng matagal.
“Resource sharing has always been a central component of human sociality. Children require heavy investments in human capital; during working years, help is needed due to illness, disability, or bad luck.
While hunter-gatherer elders assisted their descendants, more recently, elderly withdraw from work and require assistance as well. Willingness to share has been critically important for our past evolutionary success and our present daily lives.,” ani pa nito sa kanyang pag-aaral.
Ang mga tao umano sa mga bansa sa Western Europe, South America, at Japan ay nagbabagi ng halos 68% hanggang 69% ng kanilang kita sa kanilang buong buhay sa ibang tao kaya nangunguna umano ang mga bansang ito sa pagkakaroon ng mababang mortality rate.
Kabaliktaran naman umano nito ang mga bansa sa Southeast Asia, Sub-Saharan Africa, at maging sa Turkey at China kung saan mababa umano kung magbigay ng tulong sa kanilang kapwa o di kaya ay bihira lamang kung tumulong.
Resulta umano nito ay ang pagkakaroon ng mataas na mortality rate at shorter life spans sa mga bansang ito.
Kaya naman, ibig sabihin nito na ang pagiging mapagbigay, mabait, o matulungin ay mas nakakapagbigay raw ng mahabang buhay.
“Our findings from 34 countries on six continents suggest that survival is higher in societies that provide more support and care for one another.
We suggest that this support reduces mortality by meeting urgent material needs, but also that sharing generosity may reflect the strength of social connectedness, which itself benefits human health and wellbeing and indirectly raises survival,” dagdag pa ni Vogt sa kanyang pag-aaral.
Ayon kay Vogt, hindi lamang ang kanyang pag-aaral ang makapagpapatunay nito dahil noon pa man ay mayroon na rin umanong mga pag-aaral na mayroong parehong resulta ng sa kanya.
Dahil sa mga pag-aaral na ito, marahil ay dapat na umang mas kilalanin ng mga tao ang katotohan na ang pagiging mabait at mapagbigay ang mas dapat na pagtuunan ng pansin ng mga taong nagnanais ng mahabang buhay.
Marahil umano ay mas isabuhay na ng mga tao ang katotohanang ito kaysa ang sikat at walang basehang kasabihan na ‘Matagal mamatay ang isang masamang damo’.
Source:
UNILAD
Source: Kiat Media
0 Comments