Photographer isinugal ang Buhay at Tumalon sa Whirlpool para Malaman kung ano ang nasa Loob nito.



Maraming kamangha-manghang pangyayari sa mundo na minsan ay mahirap paniwalaan at kailangan ng masusing pag-aaral para lubusang maintindihan.
Minsan maraming eksperimento ang nagaganap para lamang ma solusyunan at mabigyang linaw ang isang bagay.

Sa ngayon, may isang Photographer na masyadong mausisa na gustong malaman kung ano nga ba ang nangyayari sa loob ng isang whirlpool, kaya nagdesisyon siyang lumangoy dito dala-dala ang kanyang kamera.

Ang tinatawag na whirlpool ay ang mabilis na pag-ikot ng tubig dagat na hindi naman kalakasan ngunit minsan ito ay delikado rin kahit sa mga batikang swimmers. Kadalasan natatakot tayo sa ganitong itsura ng tubig dahil akala natin ay hindi na tayo maliligtas kapag nasa loob tayo nito.

Ang photographer na ito ay kinilala na si Jacob Cockle isang British na naging tanyag sa kanyang mga kuha na video na itinatampok ang mga underwater activities sa iba’t ibang lugar.


Mas naging kilala siya nang kumalat ang kanyang videos na nag-dive sa deliakdong whirlpool na ito.
Ang mabilis na pag-ikot ng whirlpool sa dagat ay umakit sa “adventurous spirit” ni Jacob. Naeenganyo din siya kung ano nga ba ang nangyayari at ano nga laman sa loob nito.
Makikita sa video na ang whirlpool ay nagiging delikado na sa paglipas ng ilang minuto ng kaniyang video. Makikita din ang pagtalon na ginawa ni Jacob upang lapitan ang swirlpool.
Ang camera ay nakapokus lamang sa nangyayari sa whirpool at ito ay tila isang buhawi sa ilalim ng dagat. Mabuti na lamang at hindi natangay si Jacob ng whirlpool dahil sa lakas ng epekto sa paligid nito.
Marami ang pwedeng mangyari kapag nagpadala tayo sa ating kuryusidad, ito ay positibo dahil nagbibigay lakas o motivation sa atin na gawin ang isang bagay, para ma satisfy ang ating isip, ngunit delikado naman ito kapag hindi natin pinag-isipang mabuti bago gawin ang isang desisyon.



Source: Keulisyuna

Post a Comment

0 Comments