Kamakailan lang, matatandaang naging trending sa social media ang tungkol sa umano’y mala-koreanovela na lovestory ng isang pulis na ito at isang babae.
Miyembro ng Philippine National Police - Special Action Force ang pulis na si Joebert Lacea. Nang paalis na sana si Joebert para madestino sa isang lugar, isang tagpo ang talaga namang nagpakilig sa mga netizen.
Dahil isang malayong probinsya ang pupuntahan ni Joebert, hinabol ito ng nobya niyang si Richelle Amorcilla upang magkita man lang sila sa personal, sa unang pagkakataon, bago sila tuluyang magkalayo ulit.
Dahil sa nakakakilig na kwentong ito ng dalawa, naipalabas pa ang kanilang kwento sa programang ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’ kung saan, mas maraming tao pa ang nakaalam sa naturang nakakakilig na pangyayari.
Ngunit, imbes na umani ng suporta, kabaliktaran ang nangyari sa love story na ito nina Joebert. Nang muli kasing magtrending ang kanilang kwento dahil sa KMJS, lumabas ang mga umano’y nakarelasyon o karelasyon din ni Joebert at sinasabing isa umano itong babaero.
Dahil dito, inulan ng batikos ang naturang pulis dahil sa umano’y panloloko at pagiging babaero nito.
Kaya naman, hindi na napigilan pa ni Joebert na umalma sa mga paratang na ito sa kanya ng iba’t-ibang mga babae at maging ng mga netizens.
Sa isang Facebook post, pinabulaanan ni Joebert ang lahat ng ito at nilinaw ang mga akusasyong ito sa kanya. Mariin nitong itinanggi ang mga paratang na isa umano siyang manloloko.
Heto ang naging buong pahayag ni Joebert tungkol dito:
“HI EVERYONE.
“I tend not to post nor reply to any comments regarding this issue for sake of everybody ug sa pag aakala na maging okay lang BUT it triggered me kay murag mag d cla katulog dili gyud makita maguba ang is aka tao. This post is to clarify things and for those sawsawera/sawsawero.. Bear with me..
“1st is About sa ex ko na na two time daw? nag trending kame Nung April na akala Ng lahat masaya pa kame non. But on May 4 break na kame. She is in her new relationship last June 3 (I think?)and mine is June 30, so paano naging two time yun.. for those people nagaingon dali lang kuno nakamove on, try to consider also d other side.
“Second is about sa "MyLoves" from Bohol..Yes, nag ka MU kame dati. Pero D PO NAGING KAME... I just pray na makakita din xa nang guy na Maka KMJS nya..(Kidding aside)
“Third is Yung July daw? Gwapo ko na talaga eh noh? I never met that girl. Sino yun..
“The fourth one is kasalanan ko ba mainlove ulit sa taong bago mo lng nkilala? Ika nga, it will never be the time..its the feeling matters.
“And last, Stop the hate to anyone involve sa issue. And please refrain posting fake news or allegation without knowing the whole story. Kilala nyu ba talaga ako? Kasi kayu d ko din kilala.. so stop the hate, memes and making fun of someones life just to add fuel to fire.
“I also have my family to protect.. if nasakitan mo nga dili mo involve.. how come nalang sa among family both?
“Hope this will become a lesson to everyone.. kay even professionals mahimo nang Bugo tungod sa trending. Our happiness will not be defended by your opinion.. D NAKO IBUTANG AMONG KALIPAY SA IMONG MGA WAY AYU NGA COMENTO. So stop the hate. Let's not waste everyones time..matulog nata! Kay manarbaho patag iya-iya ugma..”
Source: facebook
Source: Kiat Media
0 Comments