BREAKING: US President Donald Trump at Melania Trump, Positib0 sa C0VID-19!

Positibo sa C0VID-19 si US President Donald Trump at first lady Melania Trump ayon mismo sa magkahiwalay na kumpirmasyon ng dalawa sa Twitter nitong Biyernes, ikalawang araw ng Oktubre.

“Tonight, @FLOTUS and I tested positive for C0VID-19. We will begin our quarantine and recovery process immediately. We will get through this TOGETHER!”, saad pa ni Trump sa kanyang tweet.

“As too many Americans have done this year, @potus & I are quarantining at home after testing positive for C0VID-19. We are feeling good & I have postponed all upcoming engagements. Please be sure you are staying safe & we will all get through this together,” ang ani naman ni Melania.

Ayon sa ulat, maayos naman umano ang pakiramdam ni Trump at ng first lady ngunit hindi malinaw kung asymptomatic nga ang mga ito.

“The President and First Lady are both well at this time, and they plan to remain at home within the White House during their convalescence,” saad pa nga sa opisyal na pahayag ni Navy Commander Dr. Sean Conley, ang physician ng presidente.

Ang kumpirmasyong ito na positibo sa Trump sa C0VID-19 ay matapos ang ulat na nagpositibo rin sa virus ang conselor nito na si Hope Hicks. Ito ang kasama ni Trump at ni Melania sa nakalipas na mga araw.

Bago ito magpositibo sa C0VID-19, ilang beses nakasama ni Trump ngayong linggo ang kanyang conselor sa pagbyahe sakay ang Air Force One. Kaya naman, nagkaroon ng pagkabahala ang publiko na mahawa din ng C0VID-19 si Trump dahil nakasakay din si Hicks sa presidential helicopter noong nakaraang linggo.

Maliban dito, minsan pa umanong nakita ang councelor sa Cleveland na bumaba ng helicopter nang wala man lang suot na face mask. Wala din umano itong suot na face mask sa naganap na rally sa Pennsylvania kung saan kasama niya ring bumyahe si Trump.

Matapos magpositibo ni Hicks sa C0VID-19, ipinagpatuloy pa rin ni Trump ang kanyang mga naka-schedule na gawain noong Huwebes.

Huling nakita ng publiko si Trump nang bumalik ito sa White House mula sa isang fundraising trip sa New Jersey. Ayon sa mga reporters na nakakita sa presidente, mukhang maayos naman umano ang kalusugan nito.

Si Trump ay 74 taong gulang na ngayon kaya nakakabahala umano para rito ang pagiging positibo niya sa C0VID-19. Dahil sa edad nito, mas malapit umano sa panganib ng C0VID-19 si Trump.

Gayunpaman, sinisiguro umano ng White House medical team at ni Dr. Conley na babantayan nila ang kalusugan ni Trump habang ito’y nasa recovery. Pahayag pa nito,


“The White House Medical team and I The White House medical team and I will maintain a vigilant watch, and I appreciate the support provided by some of our country's greatest medical professionals and institutions. 

“Rest assured I expect the President to continue carrying out his duties without disruption while recovering, and I will keep you updated on any further developments.”

Matapos ang kumpirmasyon na positibo nga si Trump sa C0VID-19, agad na kinansela ang mga nakatakda sana nitong puntahan nitong Biyernes.

Source: dailymail


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments