Guro, Aksidenteng Nai-Print sa Module ang Pag-uusap Nila ng Boyfriend sa Messenger!

Viral ngayon sa social media ang larawan na ito ng isang pahina sa module kung saan, aksidente lang namang naisali ng isang guro sa module ang larawan ng pag-uusap nila ng nobyo sa messenger.

“Ma’am, mali yata ang nai-print mong module,” nakakatawang ani pa nga ng isang Facebook page na nagbahagi ng larawan.

Dito, makikita ang palitan ng ‘I love you’ ng teacher at ng kanyang nobyo. Ani pa nga rito ng kanyang boyfriend, pauwi na raw ito at mag-uusap silang dalawa pagkauwi nito sabay sabing mag-iingat umano ang guro.

Hindi naman mapigilang matawa ng maraming netizen sa pagkakamaling ito ng naturang guro. Biro naman ng ilan sa mga ito, buti pa raw ang teaceher ay mayroong nobyo.

Kinilig naman ang ilan sa pag-uusap na ito ng dalawa at sa pagkakaroon daw ng lovelife ng naturang teacher. Bagama’t nabuking umano ang pag-uusap na ito ng teacher at ng kanyang boyfriend, kinaaliwan na lamang ito ng mga netizen.

Saad naman ng ilan, mukhang kailangan umanong mag-ingat ng mga guro sa ipiniprint nilang module kung ayaw nilang mangyari din ito sa kanila. Kailangan umano ng mga ito na suriing maigi ang ginagawang mga module upang maiwasan ang naturang pagkakamali.

Ani pa nga ng ibang mga netizen, baka raw nawala sa focus ang teacher na gumawa nito kaya nagkamali sa pagprint ng module. Gayunpaman, pinagkatuwaan na lamang ito ng marami at nakapagbigay naman ito ng tawa sa ilang mga netizen.

Sa social media, maliban dito ay mayroon pang ibang napansin ang mga netizen tungkol sa mga module na ibinibigay sa mga mag-aaral. Mayroong iba na natatawa na lamang dahil sa hirap umano ng tanong at ipinapagawa sa mga module habang mayroon namang iba na mayroong mga kaunting mali na napansin sa ilang mga module.

Isang linggo na rin ang lumipas mula nang magbukas ang klase at nagsimula nang magbahagi ng mga module ang mga paaralan para sa kanilang mga mag-aaral. Ito ang bagong sistema ng DepEd para sa pagbubukas ng klase ngayong taon sa gitna ng pandemya. 

Ngunit, unang linggo pa lamang ng klase ay panay na ang hinaing hindi lamang ng mga mag-aaral at guro kundi pati na rin ng mga magulang dahil sa kalituhan at hirap ng bagong sistema na ito.

Sa sistema kasi ng modular learning, ang mga magulang ang siyang nagtuturo sa kanilang mga anak sa kanilang mga bahay ng mga nakasaad sa module. Ngunit, bukod sa hindi lahat ng mga magulang ay mayroong kakayanan para magturo ng mga ito, hindi rin lahat ay mayroong oras para gabayan ang kanilang mga anak.

Kaya naman, maliban sa paggawa at paghahatid ng mga module sa kanilang mga estudyante, kinakailangan din ng mga guro na maglaan ng oras upang bisitahin ang mga mag-aaral na ito na nangangailangan ng kanilang atensyon sa pagtuturo.

Ayon sa mga magulang, hindi umano sapat ang isang linggo para sagutan ang lahat ng mga ibinigay na module. Ngunit, walang magawa ang parehong panig ng mga magulang at mga guro kundi magsikap at magtulungan na lamang na malampasan ang ‘school year’ na ito.

Source: facebook

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments