Kamakailan lang ay naging usap usapan sa social media ang tungkol sa naging pahayag ni dating Senador JV Ejercito tungkol kay Leni Robredo.
Matatandaan na sinabi ni Ejercito na isa umano ang opisina ni Robredo ang naging ‘busy’ sa panahon ng pandemya dahil umano sa paghahanap nito ng tulong sa kanyang mga kaibigan.
“VP @lenirobredo may not be my partymate but we have to give due credit, she has been one of the busiest in helping people during the Pand3mic.” saad pa ni JV.
“Give the m3ager resources of the OVP, she was able to ask friends & people to do their share to help.” dagdag pa nito.
Kaya naman agad na bumwelta ang kilalang taga suporta ng Pangulo na si Atty. Nick Nañgit na kung saan tinuruan nito ng leksyon si JV Ejercito.
“Una, hindi niya trabaho ang pagkakawanggawa. Trabaho niya ang maghintay makaupo, kung kinakailangan. Samantala, dapat hindi niya binabatikos lagi ng walang kapararakan ang mga gawain ng pamahalaan kung saan siya ay bahagi.”
BASAHIN ang kanyang facebook post sa ibaba:
Weno ngayon?
Una, hindi niya trabaho ang pagkakawanggawa. Trabaho niya ang maghintay makaupo, kung kinakailangan. Samantala, dapat hindi niya binabatikos lagi ng walang kapararakan ang mga gawain ng pamahalaan kung saan siya ay bahagi.
Pangalawa, maraming pribadong tao ang tumutulong at nagtutulungan ngayong pandemya. Hindi siya naiiba o katuring-turing na santa na dapat pasalamatan sa tingi tingi niyang naitutulong, lalo pa’t hindi naman sa bulsa niya o sa opisina niya galing, kundi sa ibang tao.
Pangatlo, walang kinalaman ang mga resources ng opisina niya sa pagtulong. Ke may pandemya o wala, ganun talaga ang ilalaan sa opisina niya, kaya’t hindi iyan kahanga-hanga!
#LetLeniLeave
Weno ngayon?Una, hindi niya trabaho ang pagkakawanggawa. Trabaho niya ang maghintay makaupo, kung kinakailangan….
Posted by Nick Nañgit – NCN Law on Wednesday, September 30, 2020
Source: News Clicks
0 Comments