Nang Dahil sa Isang Lumang TV, 18 Buwan na Nagkaproblema sa Internet ang Isang Village

Nagsisimula tuwing alas 7 ng umaga, sa loob ng halos 18 buwan ay nagkaroon ng problema sa internet connection ang isang Village na ito sa Europa.

Malaking misteryo para sa mga residente ng naturang village kung bakit sabay-sabay silang nagkakaroon ng problema sa kanilang mga internet connection sa parehong oras din sa loob ng maraming buwan.

Ilang beses na umano nila itong ikinunsolta sa mga Openreach engineers doon ngunit, walang nakikitang problema ang mga ito sa kanilang mga internet connection.

Sa katunayan, pinalitan pa umano ng mga ito ang mga kanilang mga kable doon ng internet sa pag-aakalang nandoon ang kanilang prolema. Ngunit, hindi pa rin nito naaayos ang matagal na nilang hinaing sa kanilang mga internet connection.

Kaya naman, pinaimbestigan na ng mga ito ang tungkol sa nasabi nilang problema hanggang sa isang araw nga ay natukoy na rin ng mga imbestigador at residente ang ugat ng problema.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng mga Openreach engineers sa lugar, mayroon umano silang natuklasang ‘electrical interference’ mula sa isang bahay sa naturang village.

Gamit ang kanilang ‘spectrum analyse’, natuklasan ng mga Openreach engineers na ito na mayroong nangyayaring ‘Shrine’, o single high-level impulse noise, sa naturang village.

Nang puntahan naman ng mga engineers na ito ang nasabing bahay kung saan nag-uugat ang problema, natuklasan ng mga ito na isang lumang TV pala ang dahilan ng pagkakaroon ng problema sa internet connection ng buong village.

Hinid naman makapaniwala ang may-ari ng naturang bahay na isa nang pensiyonado. Ngunit, kinumpirma nito na sa tuwing alas 7 ng umaga, binubuksan nito ang naturang telebesyon.

“We walked up and down the village in the torrential rain at 6am to see if we could find an ‘electrical noise’ to support our theory… 

“And at 7am, like clockwork, it happened. Our device picked up a large burst of electrical interference in the village. The source of the “electrical noise” was traced to a property in the village… 

“It turned out that at 7am every morning the occupant would switch on their old TV which would in turn knock out broadband for the entire village,” pagpapaliwanag pa ng Openreach engineer na si Michael Jones sa nangyari.

Dagdag pa nito, hindi umano makapaniwala ang mga residente sa naturang village na isang lumang telebisyon lamang ang sanhi ng matagal na nilang problema sa internet. Kaya naman, nagkaroon umano ng kasunduan ang mga to na hindi na kailanamn gagamitin ng may-ari ang naturang TV.

“As you can imagine, when we pointed this out to the resident they were mortified that their old second-hand TV was the cause of an entire village’s broadband problems, and they immediately agreed to switch it off and not use it again,” ani pa ni Jones.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Suzzane Rutherford na galing pa ring Openreach na hindi na umano bago ang katulad nitong pangayyari. Ang pinakamabisa umanong paraan para maiwasan ito ay siguraduhing ‘properly certified’ at naaayon sa pamantayan ang ginagamit na kagamitan ng publiko.

“Anything with electric components – from outdoor lights to microwaves to CCTV cameras – can potentially have an impact on your broadband connection,” saad pa ni Rutherford.

Source: metro

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments