Hindi madali ang mga pagsubok sa buhay na kinakaharap natin sa araw-araw. Marami sa atin ang kinakailangang magsakripisyo at talagang dumanas ng matinding hirap marating lamang ang tagumpay na ating pinakaaasam-asan.
Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang kwento ng business tycoon na si Adam Deering. Ibinahagi niya noon sa kaniyang social media account na nabili na niya ang bangko na noon ay hindi nagpautang sa kaniya.
21 taong gulang lamang daw siya noon at ninais niyang matupad ang kaniyang mga pangarap sa pamamaraan na alam niya. Kung kaya naman nagdesisyon siyang iwanan ang kaniyang trabaho upang sumabak sa pagnenegosyo.
Handang-handa na siya sa magiging pagbabago na ito sa kaniyang buhay ngunit hindi niya inaasahang hindi siya papautangin ng bangko na kaniyang kinausap.
Ang naging dahilan sa kaniya ng babaeng manager matapos saglit na basahin ang kaniyang “business plan” ay masyado pa raw bata si Adam at wala pang karanasan sa negosyo kung kaya naman hindi kakayanin ng bangko na mapahiram siya ng pera.
Talagang nanlumo siya ng mga oras na iyon dahil sa wala siyang “Plan B”. Nang mga panahon na iyon ay talagang sumugal na siya dahil sa nag-resign na siya sa trabaho, ang natitirang pera niya ay sasapat lamang sa tatlong buwan na renta sa kaniyang tirahan, nasa ilalim din ng 30-day credit terms ang kaniyang phone-line off BT.
Sinong mag-aakala na papalarin siya at magtatagumpay na makapagtayo ng limang multi-million companies na kinabibilangan pa nga ng isang “debt management firm”.
“Remember, your current situation is never your final destination”, ito ang mga katagang isinapuso ni Adam Deering noon pa man.
Tunay nga na hindi natin masasabi ang buhay ng isang tao. Maaaring ngayon ay nasa ilalim ka ng gulong ng buhay ngunit darating din ang araw na makakarating ka din sa ibabaw at makakamit ang tagumpay na nararapat para sa iyo.
Hindi ito kailanman magiging madali ngunit talagang napakasarap sa pakiramdam na napatunayan mo ang iyong sarili sa mga taong nagduda sa kakayahan mo noon.
Source: Keulisyuna
0 Comments