Netizen, Nag react sa Post ng mag Jowang Napaka-Toxic raw na Relasyon

Dahil sa sobrang pagmamahal ng isang tao, minsan ay hindi na nito namamalayan na imbes na nakakapagpasaya sa kanya ang isang relasyon ay nagiging mapang-abuso na ito at nawawala na ang dapat ay pagmamahal na inilalaan sa sarili.

Ganito ang relasyon na mayroon dati ang isang netizen na ito. Sa isang thread sa Twitter, ibinahagi nito ang kanyang pinagdaanan noon sa isang ‘toxic’ na relasyon.

Base sa mga larawan na ibinahagi ng naturang netizen, makikita kung gaano ito naging sunod-sunuran sa dating karelasyon na kahit ang kaligayahan nito para sa kanyang sarili ay isinasantabi niya sa isang utos lamang nito.

Bawat galaw nito ay dapat naaayon sa gusto ng karelasyon na kahit ang simpleng pagbabahagi nito ng isang post o larawan ay pinapakialaman nito.

“i don’t share this kind of stuff, but, damn, way back, akala ko okay na ganituhin ka ng partner mo. akala ko, care yon. well, it made me f*ckin insecure about myself… na p*tang1na, natatakot ako mag ayos ng sarili ko na tuwing haharap ako sa kanya. kasi, tumatatak sa isip ko, na hindi niya magugustuhan,” pagbabahagi pa ng netizen na ito.

Imbes na maging komportable sa isa’t-isa dahil sa pagmamahal na akala nila ay mayroon sila sa bawat isa, mas naging miserable pa ang tingin nito sa sarili dahil sa bawat panghuhusga at utos ng dating karelasyon sa kanya.

“to the point na, 2-3hours ka nag ayos, pero ipapatanggal sayo. sasabihin na hindi bagay. sasabihin na ang pangit. ang idadahilan sayo, “may anak kana, hindi ka na dalaga”... 


“this is what toxic relationship is. they’re very good at manipulating people. no matter what you do, no matter how hard you try, toxic people will make you feel miserable… pero yung totoo, is sila yung talagang insecure. 

“good thing, i learned to let go. well yeah, it’s going to be hard to get rid of the insecurities they’ve given you, the way they’ve warped your heart, but every single day it will get easier. always choose yourself!” dagdag pagbabahagi pa ng netizen sa kanyang naging karanasan.

Marami sa mga tao ang hindi napapansin na ‘toxic’ na pala ang relasyon na mayroon sila. Ito ay dahil inaakala ng mga ito na ayos lang ang diktahan ka sa mga bagay na dapat ay nagpapasaya sayo ngunit, dahil ayaw ng karelasyon mo, kahit sa hindi makatwirang dahilan ay sinusunod mo ito.

Ayon sa mga netizen na nakabasa ng naturang post, dapat umanong matutunan lalo na ng mga kababaihan kung paano umalis sa isang relasyon na alam mong hindi na nakabubuti sayo. Hindi umano masamang piliin ang sarili lalo na sa tuwing umaabot na sa puntong nakakalimutan mo ang mga tunay na nagpapasaya sa iyo.

Ayon sa mga ito, mabuti na lamang umano at naging malaya na ngayon ang naturang netizen na nagbahagi ng naturang post dahil walang sinuman ang dapat na makaranas ng ganito ka-toxic na relasyon.

“Buti na lang nakalaya kana sa toxic relationship na yan. Hindi mo deserve. May dadating din sayo na mamahalin ka ng totoo. Yung hindi ka gaganyanin,” komento pa nga rito ng isang netizen.

Source: facebook

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments