Pinay na nasa Canada na kinuha ang kaibigan bilang isang yaya nalaman na inaasawa pala ang mister

 


Marami sa ating kababayan ang nangangarap na makapagtrabaho sa ibang bansa dahil malaki raw ang kikitain dito.

Sino nga ba ang may ayaw ng ganon kung makikita mo na mas malaki talaga ang tiyansa na ikaw ay umunlad sa ibang bansa kaysa dito sa atin sa bansang Pilipinas?

Pero ang makapag trabaho sa ibang bansa ay hindi madali maraming mga kailangan papeles at proseso kaya naman ang iba ay hindi nabibigyan ng pagkakataon.

Swerte na nga lang ang iba na may mga kakilala ng nagtatrabaho sa ibang bansa dahil natutulungan sila nito na mapadali ang kanilang pagpunta dito.

Tulad na lamang ng isa natin kababayan na pinalad makapagtrabaho sa Canada na si Elloraine Lamb at nakapangasawa din siya dito na isang Canadian citizen.



Sila rin ay nagkaroon na rin ng isang anak. Ngunit dahil nga sa parehas may trabaho ay kailangan humanap ni Ellaine ng makakasama sa bahay para mag-alaga sa kanyang anak.

Dahil dito naisip ni Ellaine na tulungan ma petisyon ang kaibigan niya na si Maria Salvacion para narin matulungan niya ito na makapagtrabaho sa ibang bansa.

Naging maayos naman at napetisyon nga si Maria at siya ang naging tagapag-alaga ng anak ni Ellaine.



Pero makalipas lang ang ilang buwan ay napapansin ni Ellaine ang nga kinikilos ni Maria at nag simula narin lumamig sa kanya ang kanyang asawa.

Nang mapansin ito ni Ellaine siya ay kinutuban na kaya naman binuksan ni Ellaine ang cellphone ng kanyang asawa.

Laking gulat nito na tama ang kanyang kutob na nagkakamabutihan na nga ang dalawa batay sa kanyang mga nakitang matatamis na mensahe at ilang maseselan na larawan na nasa cellphone nito.


Agad-agad naman kinompronta ni Ellaine ang dalawa tungkol sa kanyang mga nakita, hindi naman nagkaila si Maria at ang asawa ni Ellaine at silang dalawa ay umamin na may relasyon nga sila.

Dahil sa mga pangyayari na iyon ay agad dumulog si Ellaine kay sir Raffy Tulfo para humingi ng tulong sa ginawa sa kaniya ng kanyang kaibgan at para ito ay tuluyan ng madeport sa ginawa sa kanyang pang-aahas.


Source: Keulisyuna

Post a Comment

0 Comments