Social Experiment: Pagtulong na Walang Kapalit o Masamang Intensyon, Posible pa ba?

Mayroon pa kayang mga tao sa lansangan na handang tumulong nang walang nakatagong masamang intensyon? Ito ang tanong na nais sagutin ng ginawang social experiment na ito ng isang vlogger. 

Sa naturang social experiment, isang babae ang papara sa mga lalaking nagmamaneho ng motor sa kalsada at tatanungin ang mga ito kung pwede siyang magpahatid ng libre. Sasabihing dahilan naman dito ng babae ay dahil nawala ang kanyang wallet o pitaka.

Ngunit, sa unang rider pa lamang na pinara ng babae, nagkatagpo agad ito ng isang lalaki na siyang dapat na iwasan ng mga babae. Sa tingin at pagsasalita pa lamang nito, halata na ang hindi magandang intensyon nito sa nasabing babae.

Nang tanungin ito ng babae kung pwede ba siyang magpahatid pauwi ng libre dahil nawala nito ang kanyang wallet, ang sinagot lang naman ng lalaki ay “pag-usapan na lang natin.”

Sa sagot niya pa lamang na ito ay kaduda-duda na ang kanyang ipinahihiwatig na intensyon. Kaya naman, agad na lamang tumanggi ang babae at binawi ang paghingi rito ng tulong. Gayunpaman, ipinipilit pa rin dito ng naturang rider na ihatid siya pauwi.

Dahilan ito para iwan at lumayo ang babae sa naturang rider at mabuti na lamang ay bumalik na lang din sa kalsada ang naturang lalaki. 

Ngunit, makalipas lamang ng ilang minuto ay binalikan ng naturang lalaki ang babae at kinumbinse ito sa kanyang gusto. Nakaka-alarma na ang kilos na ito ng lalaki kaya agad nang lumapit dito ang ibang mga lalaking kasama ng babae sa ginagawang social experiment.

Kung hindi pa lumapit ang mga ito ay hindi iiwan ng naturang rider ang naturang babae. 


Kabaliktaran naman nito ang nangyari sa ikalawang rider na ginawan nila ng social experiment. Hindi kagaya ng nauna na mayroong hindi magandang intensyon, ang ikalawang rider naman ay maayos at handang tumulong dito nang walang anumang masamang intensyon na ipinahihiwatig.

Ipinakita lamang ng social experimant na ito ang katotohanan na mayroong mga taong hindi mapagkakatiwalaan sa lipunan. Nakakalungkot isipin na pinatunayan ng naturang experiment ang isiping ito ng karamihan. 

Ang mga lalaking kagaya ng naunang rider sa social experiment ang dahilan kung bakit ang mga tao, lalong lalo na ang mga babae ay hindi magawang humingi ng tulong dahil sa nakaabang na posibilidad ng peligro mula sa kapwa nila tao.

Ito ang dahilan kung bakit maraming mga kababaihan ang nakakaramdam na hindi sila ligtas sa tuwing mag-isa lamang sila sa labas ng bahay. Dahil sa mga taong ganito kaya maraming mga kababaihan ang natatakot dahil sa pakiramdam na mayroong peligrong nakaabang para sa kanila.

Ang mga taong ito ang dahilan kung bakit hirap nang magtiwala ang karamihan sa ibang mga tao dahil iniisip ng mga ito na mayroon itong masamang gagawin. Hindi rin naman masisisi ang mga ito dahil nga sa mayroon talagang ganitong mga indibidwal sa lipunan.

Mabuti na lamang, sa kabila nito ay mayroon pa ring mga tao na handang tumulong nang walang anumang hinihinging kapalit. Sana lamang ay mas madami ang ganitong uri ng mga tao kaysa sa mga taong mapang-abuso at mapanlamang sa kapwa.


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments