Transformation ni Buknoy, Umani ng Iba’t-ibang Reaksyon sa mga Netizen

Kamakailan lamang ay ginulat ng vlogger na si Buknoy Glamurr ang kanyang mga tagsuporta sa bagong look at umano’y ‘transformation’ nito.

Hindi gaya ng dati na mahaba ang kanyang buhok, ibang-iba na ang hairstyle ng vlogger at nag-iba rin ang kanyang pananamit na ibinagay raw nito sa gupit ng kanyang buhok.

Umani naman ito ng paghanga mula sa ilang mga netizen at kanyang mga tagasuporta kung saan, isinaad nila ang pagiging pogi umano ngayon ng vlogger.

Hindi kaila na naging kontrobersyal dati si Buknoy dahil sa iba’t-ibang mga isyu na sunod-sunod nitong kinasangkutan. Ngunit, dahil sa pagbabagong anyo o ‘transformation’ daw ngayon ang vlogger, marami ang muling humanga at naging tagasuporta ulit nito.

Gayunpaman, umani man ng positibong mga rekasyon mula sa iba, di pa rin naiwasan na marami ang hindi naging maganda ang tugon sa bagong ganap na ito ng vlogger.

Sa social media, marami ang bumatikos sa mga netizen na umano’y naging fan ulit ni Buknoy dahil lamang sa ‘pogi’ o ‘gwapo’ look nito ngayon. Hindi umano dapat matabunan ng bagong anyo nito ang mga ginawang mali dati ng vlogger.

Saad pa nga ng ilang mga netizen tungkol dito:

“Hindi mo kinagwapo ‘yang tinatawag mo na ‘transformation’. Masyado mo lang inemphasize ang pagiging double standard ng pagiging masculine, Buknoy.”


“Not y'all switching sides so fast just because Buknoy became manly and so ‘GWAPO’.”

“Fb posts regarding sa appearance ni Buknoy saying they forgive him kay ni gwapo speaks so much volume on how people tend to disregard toxicity as long as ‘pogi’.”

“Please don't glorify nor romanticize Buknoy's transformation. This is very alarming for the community because it deteriorates the existing homophobia in our country. Plus, the video evidently conveys that it seemed not to be consensual or in other words, labag sa loob niya.”

“Lmfao I'm gagging at some of these people commenting on Buknoy’s posts who went from ‘trash’  to ‘hala ang gwapo’ ‘papiii’ stfu.”

Maliban dito, mayroon ding iba na naghayag ng pagkabahala sa biglaang transformation na ito ng vlogger. Ani ng ilan, sana raw ay hindi ito ginawa ni Buknoy para lamang kumuha ng atensyon at pagtakpan ang lahat ng mga pagkakamali nito noon.

Saad naman ng iba, sana raw ay hindi ito labag sa kalooban ng vlogger o di kaya ay napilitan lamang na gawin. Sana rin daw, sa pagbabago ng pisikal nitong hitsura ay magbago na rin ang hindi nito kaaya-ayang ugali.


Ani naman ng iba, nakakalungkot umano ang ginawang papuri ng mga tao sa bagong mukha na ito ni Buknoy na nagpapakita lamang umano na hindi pa nito tanggap at lubusang naiintindihan ang LGBTQ+ community.

“NGL pero buknoy is goodlooking. But i hope that the reason for his or her transformation is not to gain back his/her supporters. Pls buknoy sana hindi mo tinatago yung totoong ikaw para tanggapin ka namin ulit or to forget the things u did in the past. Pls be tru to yourself,” opinyon pa nga tungkol dito ng isang netizen.

Source: KAMI

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments