Sanggol Natagpuan Na Palutang Lutang Sa Dagat At Nakabalot Sa Plastic Bag, Viral Ngayon Online


 

Sanggol Na Natagpuan Na Palutang Lutang Sa Dagat At Nakabalot Sa Plastic Bag, Viral Ngayon Online




Kung may mga magulang na hinihiling na sana ay magkaroon sila ng anak, mayroon namang ilan na maswerteng nabibiyayaan ng supling ngunit hindi nila ginagawa ang kanilang responsibilidad bilang mga magulang dito.  

Kaya naman may mga bata na lumalaki sa mundo na puno ng katanungan dahil sanggol pa lamang sila ay tinalikuran at iniwan na sila ng kanilang mga sariling magulang.


Kagaya na lamang ng sanggot na ito na natagpuan na lumulutang sa dagat habang ito ay nakabalot sa plastic bag.


Sa larawan na ibinahagi ng Facebook page na “Trending News, makikita ang isang lalaki na hawak hawak ang isang sanggol matapos niyang matagpuan itong nagpapalutang lutang sa dagat habang nakabalot sa plastic.


Saad sa caption ng post,


“Isang báta binalot ng selopen at tinapon sa dagat, buti nalang may nakakita. Ang tangos ng ilong ng báta. 👃”


Kaagad naging viral sa social media ang nasabing mga larawan. Hindi din napigil ng mga netizens na ilabas ang kanilang galit mula sa mga magulang ng sanggol na iniwan na lamang ito at ibinalot pa ito sa plastic.


Komento ng isang netizen,


“Sa nagtapon ng báby, sana makita mo ang post na to. And as how you wished this báby would die this way, karma is cooking something more painful for you.”


Ayon naman sa isa, wala umanong awa at iresponsableng magulang ang gumawa nito sa sanggol. Mabuti na lamang din at may nakakita dito at nailigtas siya.


Saad ng isang netizen,


“Grabe nanay nito parang nagtapon lng ng basura eh.. namuka may buhay yung tinapon mo at galing pa sa sariling laman at dugo mo.. hndi ka nahabag sa bátang walang kamalay malay.. hindi nya ginusto na ipanganak sa mundo, kayo ang gumawa sa kanya tapos ngayon itatapon nyo.. napakawalang puso mo hayúp ka..”


Sa ngayon ay umabot na ng mahigit na 20,000 reactions, 3,000 comments, at 22,000 shares ang nasabing post.


Source: Keulisyuna

Post a Comment

0 Comments