Selosong Binata, Tinatali ang Matandang Asawa Dahil Natatakot na Maagaw Ito

 


Ayon sa kasabihan, “Age is just a number.” Pagdating sa pag-ibig, pantay-pantay lahat kahit pa matanda o bata. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi maitatangging mahalaga pa rin ang edad pagdating sa magkarelasyon. Mas lalo pa itong nagiging kumplikado kung napakalaki ng agwat ng magkarelasyon, tulad na lamang ng binata at lolang ito!


Sa edad na 71-anyos ng lola na ito, sinong mag-aakalang makakahanap pa siya ng batang mapapangasawa? At hindi lang basta-basta 5 o 10 years lamang ang agwat nila, dahil habang senior citizen na si lola, ang asawa naman niya ay menor de edad pa. Ngunit hindi ito hadlang sa pagmamahalan nila.



Sa Indonesia, sikat ngayon ang kakaibang love story ng binatang si Selamet at ang kanyang matandang asawa na si Rohaya. Sa kabila ng kanilang malaking age gap, nahulog ang loob ni Selamet at Rohaya sa isa’t-isa. Tutol man ang kanilang pamilya noong una, wala rin silang nagawa sa huli.


Isa sa pinaka-obvious na dahilan kung bakit maraming tutol sa kanilang relasyon ay dahil sa kanilang edad. Para sa ibang tao, masyadong malaki ang kanilang agwat, at maaaring pagmulan ito ng mga problema sa kanilang relasyon. Sa kabila ng lahat, nagpatuloy pa rin ang pagmamahalan nila.




Kinasal si Selamet at Rohaya at kalaunan ay nagdiwang ng kanilang honeymoon sa Jakarta. Maayos naman ang pagsasama ng dalawa, ngunit di nagtagal ay nagkaroon rin sila ng mga problema. Ayon sa mga kapitbahay, diumano’y pinoposas ni Selamet ang kanyang asawa sa bahay tuwing umaalis siya.


Ayon naman kay Selamet, dala lang ito ng kanyang labis na pagmamahal sa kanyang asawa. Dahil sa kanyang pagiging clingy, dumating na rin sa punto na hindi niya pinapayagan ang kanyang asawa na magdasal, ngunit matapos kausapin ng leader ng kanilang bayan ay pumayag na rin ito.




Sa iyong palagay, magtatagal kaya ang relasyon ni Rohaya at Selamet sa kabila ng kanilang malaking age gap? I-share ang inyong karanasan sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.


Source: Keulisyuna

Post a Comment

0 Comments