Walang imposible para sa taong matiyaga at masipag. Ito ang pinatunayan ng isang dating gasoline boy na ngayon ay nakapagpatayo na ng sarili nitong bahay sa sarili rin nitong lupa.
Sa edad na 26 taong gulang lamang, nakapagpatayo na si Igue G. Varra ng sarili nitong bahay na bunga ng ilang taon nitong pagsisikap at pagtitipid mula sa pagtatrabho bilang isang gasoline boy.
Noon pa man ay plano na ni Igue na makapagpatayo ng sarili niyang bahay na plano nitong gawin sa Pampangga. Kaya naman, sa isang papel ay iginuhit nito ang plano ng kanyang matatawag na ‘dream house’.
Pinaghandaang maigi ni Igue ang bahay niyang ito na maingat niyang pinlano mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking detalye. Nag-ipon ito ng maigi mula sa pagtatrabaho sa gasolinahan araw-araw upang matupad ang pangarap na bahay na gusto nitong itayo.
Hanggang sa unti-unti na ngang natutupad ang munting pangarap ni Igue hindi lamang para sa sarili kundi para na rin sa kanyang pamilya. Sa tulong ng tatlong karpintero na gagawa sa kanyang bahay, sinimulan niya ang trabaho para sa pagtatayo nito noong ika-3 ng Marso ngayong taon.
Detalyado ang plano ni Igue para sa kanyang pangarap na bahay. Mula sa dalawang kwarto ng bahay, banyo, kusina, sala, terrace, at maging sa eksaktong sukat nitong 22 x 24 ft. na floor area ay pinagplanuhang maigi ni Igue.
Araw-araw ay Php500 ang pinapasweldo ni Igue para sa kanyang mga karpintero. Sa pagpapatayo nito, umabot na nga umano sa halagang Php 250,000 ang kanyang nagagastos para sa kagamitan sa pagpapatayo ng bahay.
Ngunit, pinaghandaan at pinag-iponan itong lahat ni Igue para sa kanyang pamilya na titira kasama niya sa naturang ipinapatayong bahay. Kaya kahit mahal ang pagpapatayo nito, kinakaya pa rin ni Igue para sa pamilya.
Gayunpaman, dahil sa ipinatupad na lockdown o malawakang enhanced community quarantine, pansamantalang natigil ang pagpapatayo ni Igue ng kanyang pangarap na bahay. Ngunit, hindi ito hadlang upang magtrabaho pa ito ng maigi para mas lalo pa itong mapaganda pagkatapos.
Kaya naman, manghang-mangha ang mga netizen sa kasipagan at determinasyon ng gasoline boy na si Igue na makapagpagawa ng sariling bahay mula sa perang pinagtrabahuan at pinagsikapan nito.
Bilib umano ang mga ito sa pagiging masinop ni Igue sa pera na nagresulta sa isang napakagandang bahay. Siguradong malayo umano ang mararating nito sa buhay dahil sa pagiging masipag at masinop nito.
Heto pa ang ilan sa mga ibinahaging komento ng mga netizen tungkol sa nakaka-inspire na kwentong ito ni Igue:
“Iba na ang walang bisyo, umaasenso sa buhay. Samahan mo pa ng diskarte, aasenso talaga.”
“Meron kasing mga binata na masinop sa pera at matiyga, talagang nagtatrabaho. Siguro para sa sariling ipon lang sa loob ng ilang taon na pagtatrabaho, malaki ang mas naitatago niya. Maging masaya tayo sa pag-angat ng iba… Gawin natong inspirasyon ang mga tulad nila.”
“May kapalit ang kasipagan, pagiging masinop, at pagpapahalaga sa kinikita. Mabuhay ka, Mr. Gasoline boy. Malayo pa mararating mo. Tuloy mo lang at manalig ka sa Panginoon.”
Source: thedailysentry
Source: Kiat Media
0 Comments