Kerida? Kabit? Mistress? Number 2? Umuugong na naman ngayon ang usapan tungkol sa isang lalaki na nag post ng kanyang mga hinanakit sa kanyang 9 years na kinakasama na pinagpalit siya sa 5 araw pa lang na kakilala.
Kalat na kalat ngayon sa social media ang post ni Jayson Tesiorna na taga Agusan Del Sur na isinapubliko ang harap-harapan na panloloko ng kanyang 9 years na karelasyon. Batid ni Jayson, grabe ang sakit na binigay ng babae lalong lalo na may dalawang anak sila na babae.
“Maraming salamat sa ika mong skarispiyo na nagawa mo. Sinira mo lang yung reputasyon ko para makapag sama na kayo ng lalaki mo. Karma nalang sa’yo,” post ng lalaki.
“Walang usok na mahahawakan. Salamat sa lahat ng pasakit. Ngayon sikat na kayo,” dagdag ng lalaki.
Makikita rin sa post ng lalaki na tinulungan niya ang kanyang anak na gumawa ng mga modules nito dahil wala ang kanilang nanay. Hindi niya kayang maturuan ang anak niya sa mga modules nito dahil may trabaho siya, kaya sa gabi lang niya natuturuan ito.
“Kayo na bahala sa akin, Panginoon I-guide nyo po ako na makayanan ko ang dinaramdam ko ngayon. Bigyan po ninyo ako ng lakas na mas magpursige pa para sa dalawa kong anak.”
“May mga kasama ka pa sa accommodation na kapag tinanong hindi sasagot sa kung ano talaga ang totoo. Pagtakpan pa. Siguro pare-pareho sila ng mga ginagawa, mga pokpok. Ngayon, tahimik nalang kayo kasi nabulgar na lahat.”
Sinabi ng lalaki sa kanyang post na ang tanging nagbibigay ng lakas niya ay ang kanyang mga anak. Kailangan niya mas maging matatag pa para hindi masyadong maapektuhan ang kanilang mga anak.
“Hinahanap mama nya nitong bunso ko. Bilang isang lalaki, ano kaya sasabihin ko. Naawa talaga ako ano na sasabihin ko kung nasaan na mama nila,” post ng lalaki kasama ang kanyang mga anak.
“Love you more mga palangga. Babangon ako para sa inyong dalawa, mga anak ko,” dagdag ng lalaki sa kanyang post.
Nagpost din ang lalaki ng screenshots umano ng conversations ng kanyang kinakasama at lalaki nito tungkol sa kanilang mga pinagagawa. Makikita sa umanong screenshots na “baby” ang tawagan ng dalawa.
Inulan naman ng komento ang post ng lalaki at may ibang mga netizens talaga na hindi napigilan ang kanilang ‘harsh’ comments tungkol sa panloloko ng babae.
“Di na nadala sa filter ng OPPO yung mukha mo, dae. Kapal, di marunong makuntento.”
“Yung pangit ka na nga at mukha pang walang ligo. Tapos ang landi mo din. May lalaki pa palang tatanggap ng mga kagaya nyan?”
“Lakas manlalake mukhang unggoy naman. Karma is digital, dai. Hintayin mo lang pinagpalit mo mga anak mo sa mukhang aso.”
Sa ngayon, pinipilit pang kunin ang side ng babae na nanloko umano at kanyang komento pero hindi pa ito sumasagot sa isyung kumalat.
Source: Kiat Media
0 Comments