Ngayong araw lang ng Agosto 18, 2021, Miyerkules, kinumpirma ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na nag positibo sa coronavirus disease o COVID-19 si Arjo Atayde at siyam pang kapwa niya aktor.
Sa ulat ng Regional News Group-RNG Luzon, nasa Baguio sina Arjo Atayde at ang iba pang mga kasama niyang aktor para sa isang lock-in taping.
"They committed to us na magkakaroon sila ng bubble, pero hindi nangyari. Nagkataon pala na may mga tao sila na umuwi sa lugar at pagbalik ay hindi nagti-triage.
"Tapos yung monthly testing na commitment nila, hindi nila nagawa," paliwanag ni Mayor Magalong.
Ipinaliwanag ni Mayor Magalong na sa out of 100 na nandoon sa nasabing lugar, 10 ang nag positibo sa COVID-19 at kasama na rito ang aktor na si Arjo Atayde.
"Ito ang nangyari ngayon, there are 10 people, doon sa grupo nila na out of 100, na nag-positive," pahiwatig ng mayor.
Nabanggit din ng mayor na hindi na umano hinintay ni Arjo ang resulta ng RT-PCR test bago ito umuwi galing Baguio.
“Positive siya kaya lang nga bigla siya umalis kahapon without our knowledge umalis siya. Claiming na siya lang ang daw ang symptomatic at 'yung ibang mga kasama niya asymptomatic kaya iniwanan na lang siya at bumaba siya sa Manila," paglalahad ni Mayor Magalong.
Labis na na alarma ang alkalde ng Baguio City dahil sa umano'y malaki ang tiyansa na makapanghawa ito sa mga taong makakasalamuha niya lalong lalo na't maraming staff ang nakapaloob sa isang production team.
“May mga potential na puwede niya maka-infect na iba dahil dun sa ginawa niya.
"So, alamin natin... I'm in touch with him pero text messages lang para alamin ko lang.
"Binibigyan ko lang siya ng instruction na make sure na lahat ng tao mo, walang lalabas, walang aalis.
"Only to find out na iniwanan na pala niya, nakaalis na siya.”
Sa kabilang banda, ayon sa statement nitong August 18, ng production company kung saan nagtatrabaho si Atayde na "Feelmaking Productions, Inc, sinabi nito na nakaranas daw ang aktor ng high fever, pananakit ng ulo at hirap din daw itong huminga.
Sinabi ng production company ni Atayde na isinugod daw siya sa isang ospital dahil meron itong mga pre-existing medical conditions noong nakaraang araw.
Ayon naman sa Feelmaking, ang pamilya ni Arjo Atayde ay nag-reach out na umano sa alkalde ng Baguio City at sinabi na mag co-comply sila ng kanilang commitment sa nasabing lugar.
Source: Kiat Media
0 Comments