Isang Binata, Natupad ang Pinangarap na Bahay sa Halagang Php 10,000 Lamang

Maraming mga tao ang nangarap na magkaroon ng kanilang sariling tahanan. Kahit na simple lang basta may matutuluyan lang at kapahingahan  pagkatapos ng nakakapagod na trabaho.Konkretong bahay na kung saan sama-sama ang bawat miyembro ng pamilya sa lahat ng mga nagaganap sa bawat buhay nila, sa kaligayahan man o kalungkutan. 

Ngunit, iyon nga lang, sa panahon ngayon, napakahirap na bumuo ng sariling bahay lalong lalo na na nasa panahon ng krisis. Maraming mga tao ang nawalan ng trabaho dulot ng pandemya. Hindi talaga maganda ang naging epekto ng pandemya sa mga tao. Minsan, hindi talaga maipagkakaila na nakakaranas ng gutom ang ilang mga mamamayan dahil sa labis na kahirapan.

Sa panahon ngayon, marami na rin tayong makikita na mga tao na ginagawang tirahan na ang kalye. Ang ilan sa mga taong ito ay mga pinalayas na ng kanilang mga nirentahan dahil sa hindi na nila kayang bayaran ang renta. 


Kaya, pangarap ng marami ngayon na magkaroon ng kanilang sariling tahanan kahit hindi man ganun kaganda, basta’t may matutuluyan lang at swak sa budget. 

Kagaya na lamang ng kwento ng isang binata na maituturing na isa rin sa mga nangarap na magkaroon ng kanyang sariling bahay na kinilalang si Jeypee Gervacio na ibinahagi niya sa kanyang social media account ang naging journey niya upang maisakatuparan ang pinangarap na sariling bahay na nagsimula lang sa hindi ganun kalaki na halaga, ngunit para sa kanya ay isa na itong napakalaking achievement. 

Sa kanyang Facebook account, pinost ni Jeypee ang mga larawan ng kanyang ipinagawang bahay simula noong umpisa ng paggawa nito hanggang sa maging konkreto ito. Kahit ito ay maliit lamang at simple, proud na proud si Jeypee na ipinakita ito sa publiko. Kahit gaano kasimple at kaliit, basta’t mayroon lang siyang matatawag na sarili niyang bahay.


Ayon kay Jeypee, ang kanyang bahay ay kanya na rin ginawang hanapbuhay dahil nasa loob umano mismo ng kanyang bahay ang kanyang maliit na sari-sari store na siyang kinukunan niya ng panggastos sa araw-araw na pangangailangan. 

Sa pagbabahagi ni Jaypee sa kanyang naabot na pangarap, halos Php 10,000 lang ang kanyang nagastos para sa pagpapagawa ng kanyang sariling bahay at wala siyang ginastos sa labor sa mga taong gumawa nito. Ito raw ay dahil sa mga taong tumulong sa kanya na natulungan na rin niya at sa kanyang pagiging mabait sa kanyang kapwa. Kaya, ang lahat ng kanyang mabuting ginawa ay bumalik rin sa kanya at siya ay lubos na pinagpala. 

Kahit para sa iba ay napakasimple lang ng kanyang ipinagawang bahay, para kay Jeypee, isang napakalaking achievement na niya ito dahil naabot niya ang kanyang pangarap na magkaroon ng sariling bahay. Ito ay sumasalamin din sa kanyang mga pagsisikap upang mabigyang kulay at magkakatotoo ang kanyang mga pangarap na nabuo lamang niya sa kanyang isipan. 

Kaya ngayon, lalo pang pinagsisikapan  ni Jeypee na makaluwag-luwag siya sa buhay para mapalaki at mapaganda pa niya ang kanyang bahay sa tulong at awa ng Poong Maykapal. Kitang kita sa mga larawan ni Jeypee ang galak sa kanyang mga mata nang naitayo na ang kanyang sariling bahay na dati ay pinangarap lang niya. 


Totoo talaga na walang imposible sa isang taong may sipag at may malaking paniniwala sa Diyos. Lahat ng tao ay may kanya-kanyang pangarap at bawat tao ay may kanya-kanya ring paraan upang abutin ang mga pangarap nila. 

Ang istorya ni Jeypee ay isa itong patunay na kahit sa mumunting halaga ay kaya mong ipagawa ang bahay na iyong pinangarap, sabayan lang din ng sipag at tiyaga. Isa rin itong paalala sa lahat na na dapat praktikal tayo pagdating sa buhay.

Source: readerchannel

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments