Isa sa mga maituturing natin na bayani ng ating bansa ay ang ating mga healthcare workers na siyang walang takot na nakikipaglaban sa matinding kalaban natin ngayon na hindi natin nakikita (unseen enemy). Sa panahon ng pandemya, sila ang nagsilbing “frontliners” ng bawat lugar o komunidad para maiwasan ang nakakamatay na coronavirus disease o ang COVID-19.
Ngunit, nakakalungkot lang na marinig dahil dito sa Pilipinas, hindi masyadong pinahahalagahan ang mga medical warriors natin. Marami ng mga rants o mga hinaing ang ipinararating ng mga doktor at mga nurses sa ating gobyerno para mabigyan naman sila ng importansya lalong lalo na sa panahon natin ngayon.
Katulad na lamang ng isang nurse na ibinahagi kung gaano kahirap ang maging nurse sa Pilipinas. Alam ng marami na hindi kalakihan ang sweldo ng mga nurses at mga doktor kaya nais na lang nilang makabawi sa kanilang mga “special risk allowance.”
Kaugnay nito, nag viral sa social media ang post ng isang nurse na nagngangalang Gershom Sage Reyes Rivero kung saan ay ipinakita niya sa publiko ang halaga na natanggap niyang allowance mula Disyembre ng taong 2020 hanggang Hunyo ng kasalukuyan na taon.
Makikita na hindi kalakihan ang halaga nito at aminado siyang hindi niya alam kung paano ito nangyari dahil sa katunayan nga, ang ginawa nilang pag aalaga ng mga pasyente sa ospital lalong lalo na sa mga COVID-19 patients ay sobrang risky na.
Sa photo na kanyang ibinahagi, Php 3,863.63 ang kabuuang halaga ng natanggap niyang allowance mula sa Disyembre ng taong 2020 at hanggang sa Hulyo sa kasalukuyang taon na galing umano sa Department of Health.
"I'm not the only one to say that I was utterly disappointed with how this turned out. I honestly do not know what went wrong,” pahiwatig ng nurse.
Bungad pa ni Gershom, hindi lang siya umano ang nag-iisang medical frontliner ang labis na nadismaya nang matanggap nila ang kanilang special risk allowance.
"The mere fact lang na sa ospital tayo nagtatrabaho at naghahandle ng pasyente is already a risk. Wala ka na ngang hazard pay, parang pinagkait pa sayo yung SRA,” sabi ni Gershom.
Gayunpaman, sa kabila ng hindi pagbibigay sa kanila ng sapat na atensyon, labis pa rin na nagpapasalamat si Gershom dahil sa kabila ng napaka risky ng kanilang trabaho, nananatili pa ring malakas ang kanyang pangangatawan at wala umano siyang iniindang karamdaman kahit na magdamag itong nag-aalaga sa mga pasyente.
"Probably the big take away here is I'm still healthy, my family is safe, may nakakain naman ako 3x a day at may inspirasyon sa araw araw. So salamat padin!,” paglalahad ng nurse.
Basahin ang kabuuang post ni Gershom sa kanyang social media account:
Today I finally received my Special Risk Allowance from DOH after months of waiting. This allowance covers the months of December 2020 up to June 2021.
I'm not the only one to say that I was utterly disappointed with how this turned out. I honestly do not know what went wrong. While many of my colleagues did receive their rightful allowances (you guys deserve it, dont get me wrong), there are also those that received way lesser than what I have right now, yung iba nga wala pang na receive. Its a big slap in the face of many nurses. Kung exposure lang ang pag uusapan, lahat tayo exposed. The mere fact lang na sa ospital tayo nagtatrabaho at naghahandle ng pasyente is already a risk. Wala ka na ngang hazard pay, parang pinagkait pa sayo yung SRA.
Probably the big take away here is I'm still healthy, my family is safe, may nakakain naman ako 3x a day at may inspirasyon sa araw araw. So salamat padin! ❤
#SpecialRiskAllowance #DOH #Nurses
Ang pagiging iisa sa mga medical frontliners ay hindi madali lalong lalo na sila ang nangangasiwa sa mga taong na-infection ng nakamamatay na virus. Kaya nararapat lang na sila ay bigyang halaga dahil isa sila sa mga nangangalaga sa kaligtasan at kalusugan ng isang tao.
Source: Kiat Media
0 Comments