Hindi pa rin humuhupa ang isyu tungkol sa kilalang content creator na si Nas Daily at bagkus ay mas lumaki pa ito matapos na magsalita at maglabas ng kanilang mga pahayag ang ilan pang mga Pilipino tungkol sa kanilang karanasan sa vlogger.
Nagsimula ang lahat ng ito nang ibunyag ng apo ni Apo Whang-od, ang huling ‘mambabatok’ sa Kalinga, ang ginawa umanong paggamit ni Nas Daily, o Nussier Yassin, kay Apo Whang-od para sa Nas Academy kahit na walang napagkasunduan ang mga ito.
Binalaan nito ang publiko na ‘scam’ umano ang inaalok na Whang-od Academy ni Nussier dahil walang maayos na kontrata o kasunduan na pinirmahan sa mga ito si Apo Whang-od. Dahil dito kaya agad na umani ng mga pambabatikos ang vlogger na naging dahilan nga ng tuluyang pagtanggal nito ng naturang online course sa Nas Academy.
Samantala, dahil naman sa isyung ito kaya nagsalita na rin ang isa pang Pilipino, si Louise Mabulo, tungkol sa hindi rin magandang karanasan nito noon kay Nussier nang magpunta ito sa bansa para sana ito i-feature sa kanyang vlog bilang isang social entrepreneur at ang The Cacao Project.
Ngunit, maliban sa hindi umano nagustuhan ni Nussier ang storya na ibinahagi rito ni Louise tungkol sa naturang proyekto, naging saksi rin umano ito sa ginawang pang-iinsulto at pangmamaliit ni Nussier sa mga Pilipino at lalo na sa mga magsasaka.
Ani umano nito ay wala raw siyang pakialam sa mga magsasaka dahil mahihirap lamang ang mga ito. Dagdag saad pa raw nito dati, mailagay niya lamang umano ang salitang ‘Pilipinas’ sa kanyang vlog ay siguradong milyon na umano ang magiging views nito.
Hindi pa rito natapos ang lahat dahil maging ang ama ni Louise na si San Fernando, Camarines Sur Mayor Fermin Pábulo ay naglabas din ng pahayag para suportahan ang isiniwalat ng anak. Dito ay ibinahagi niya kung ano talaga ang nangyari nang magpunta sa bansa si Nussier kung saan, hindi natuloy ang pagfe-feature nito sa The Cacao Project dahil hindi nasunod ang kanyang mga gusto.
“Nas wanted to present the Vlog in such a way that it will garner the most views, likes and shares. He even said that anything he posts with ‘Philippines’ in it is sure to get at least a million likes. So he thought of presenting Louise as The Chocolate Lady from the Philippines.
“But Louise said her venture is not yet at that stage. We're still in the process of propagating the cacao trees. The content he wanted is still few years in the making. Louise wanted to highlight the farmers and not just herself. But Nas said "who cares about the farmers?"
“That's when we lost interest in the whole thing that he's trying to do. His intended content is inconsistent with the realities on the ground. We were very transparent about what we showed him but he was looking for something else,” pagbabahagi pa nito.
Sinundo pa umano nila sa airport noon si Nussier at ang mga kasama nito at pinatuloy sa isang hotel. Nasaksihan umano nila kung gaano ito ka-arogante kaya matapos na maihatid itong muli sa tinutuluyan nitong hotel ay wala na silang narinig rito mula n’un.
“We never heard from him since because we unfollowed him. He was full of himself and he was arrogant. Not exactly a role model for the young people to emulate,” ang ani pa ulit ni Mayor Fermin.
Source: Kiat Media
0 Comments