70-Anyos na Babae sa India, Isinilang ang Una Niyang Anak; Mister Niya, 75 Anyos na!

Kahit sa edad na 70, hindi inakala ng isang babae na ito mararanasan pa niyang maging ina matapos niyang isilang ang kanyang kauna-unahang anak. 

Sa ulat ng GMA News Feed, sinabing 45 taon nang kasal sina Jivunben Rabar at mister niyang si Maldhari, at naging mahirap sa kanila ang magkaroon ng anak.

Ang mister umano ni Jivunben na si Maldhari ay 75-taong gulang na rin. 

Kaya naman nagdesisyon ang mag-asawa na sumailalim sa in vitro fertilization o IVF, kung saan tinatanggal ang egg cell ng babae mula sa obaryo, at ipe-fertilize ito gamit ang sperm cell ng lalaki sa laboratoryo.

Kapag na-fertile na ang egg, saka ito ibabalik sa bahay-bata ng babae para roon na tuluyang mabuo ang sanggol.

Labis ang tuwa ng mag-asawa sa unang pagkakataon na nabuntis si Jivunben, at ang tagumpay na pagkasilang ng sanggol sa kabila ng kanilang edad.

"When they first came to us, we told them that they couldn't have a child at such an old age, but they insisted. They said that many of their family members did it as well. This is one of the rarest cases I have ever seen!" sabi ng doktor na si Dr. Naresh Bhanushali.

Sinabi ng OB-GYN na si Dr. Marc Ancheta na 43% lamang ang tiyansa ng survival ng egg at embryo na kinuha mula sa mga babaeng edad 35 pababa, habang 15.6% ang tiyansa ng survival na kinuha mula sa mga edad 41 hanggang 42.

Kaugnay nito, sa bansang Indonesia naman, nag viral din ang babaeng na kinilalang si Khosik Assyifa mula sa probinsya ng East Java. 

Ang pagkain ng sabon ay hindi ni minsan sumagi sa kanyang isipan na, ito ang kanyang mapaglilihiang kainin.

Nagsimula ang lahat ng aksidenteng matikman ni Khosik ang sabon na ginagamit niya pampaligo. Tulad ng ibang sabon na may mga 'fruity flavor' ang isang ito ay manamis namis at mala-prutas ang lasa.

Kaya naman, tinikman niya itong muli at naging parte na ito ng kanyang paglilihi, ang pagkain ng sabon na pampaligo.

Aminado si Khosik na kakaiba at nahihiya siya sa pinaglilihian niya, kaya palihim niya itong ginagawa at madalas nagtatago sa kanyang asawa kapag siya ay kumakain ng sabon.

Makalipas ang ilang buwan, nanganak na si Khosik  at habang buntis ito ay hindi siya nakaramdam ng pagsama ng kanyang pakiramdam o sa kanyang tiyan dahil sa patuloy niyang pagkain ng sabong pampaligo.

Maging ang kaniyang anak ay normal naman at magpasa-hanggang ngayon ay malusog ito at walang naging sakit mula nang ipinanganak.

Ngunit hindi kagaya ng ibang buntis, ang paglilihi ni Khosik ay hindi natuldukan matapos niyang manganak.

Nagtuloy-tuloy ang pagkain ng sabon ng 21-anyos na Indonesian, bagay na kaniyang ikinagulat dahil hindi niya inaasahang magugustuhan niya ang pagngata rito.

Dahil sa kakaibang paglilihi ni Khosik, nag viral ang kanyang video habang siya ay kumakain ng sabon na pampaligo. Ngunit, hindi lamang ito pang meryenda ang sabon.

Kundi sa itong kakaibang pagsusuri sa isang brand ng sabon, kung saan pinapakita niyang tinitikman, sinisipsip at kinakain ang mga ito para alamin kung anong masasabi niya sa produkto.

Higit 270k libong beses itong napanood sa social media account ni Khosik. Kita naman anila na gustong gusto nito ang kaniyang ginagawa.

Pinapaalahanan naman ang lahat na hindi kailanman naging pagkain ang sabong pampaligo. Maaaring magdulot ito ng masamang epekto sa katawan ng isang buntis at maging sa batang dinadala.

Source: gmanetwork

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments