Koreanong Nakapangasawa ng Pinay, Humihingi ng Tulong para Makauwi na sa Korea!

Isang Koreano ang nananawagan sa lahat ng mga netizen na tulungan umano siya para makauwi na sa kanilang lugar sa Korea.

Ang nasabing Koreano ay nakapangasawa ng Pinay. Nais na niyang makauwi sa Korea kasama ang kanyang asawa at anak dahil sa hirap ng kanilang buhay dito sa Pinas.

Ang Koreanong ito, 59 taong gulang, ay matatas bumigkas ng mga salitang Bisaya. Desperado na siyang makauwi sa kanilang lugar.

Ninakaw umano ang kanyang passport kaya ganun na lamang kahirap sa kanya ang makauwi sa kanila sa Korea.

Sa panayam ng RMN - DXBC Butuan 693, kasama niyang nakipag-usap ang kanyang asawa na 35 taong gulang.

Mayroon silang limang anak at kasalukuyang nagdadalang tao ang kanyang asawa. Ayon sa Koreano, siya ay taga-Cheongju sa South Korea. 

Ayon sa Koreano, 20 taon na siyang naninirahan dito sa Pilipinas. At naging mas naghirap ang kanilang buhay nang magkaroon ng pandemya.

Marami naman sa mga netizen ang nais magbigay ng kanilang tulong sa mag-asawa:

"Dahil sa pandemic daming foreign national naghirap. Marami din dito sa amin yung mga dating businessman na foreigner ngayon palaboy laboy na lang. Sana makauwi na siya btw mabait si Ate kahit walang wala na koreano niya di niya padin iniwan."

"I'd love to know thier details Para maka padala man lng ng konting ayuda, im a mother too and expecting another baby, I can't imagine the pain, hunger she have to endure."

Andito po ako korea, pakibigay complete details niya, lahat po na pwedeng magamit para mahanap parents niya or any relatives niya dito sa korea. 

Nang maranasan ng mga tao ang pandemya, maraming mga tao ang labis na naapektuhan. Nagkaroon ng labis na pagkalugmok ng ekonomiya dulot ng pag-implementa ng lockdown at community quarantine.

Naging “new normal” na rin ang pagsuot ng face masks at face shields ito ay alituntunin sa pagsunod ng health and safety protocols. Marami ring mga tao ang nawalan ng hanapbuhay dulot ng mga striktong patakaran sa panahon ng lockdown.

Marami sa mga foreigners na pumunta dito sa Pilipinas na naabutan ng lockdown at magpasa hanggang ngayon, hindi pa rin nakauwi sa kani-kanilang mga lugar. 

Panoorin ang buong video dito!


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments