Ang trending na #LawOfAttraction ni Maine Mendoza

Kamakailan lang, sunod-sunod na mga pahayag ang ibinahagi ni Maine Mendoza sa Twitter na pinag-usapan ng marami.

Ito ay ang kanyang ‘Law of Attraction’ na tungkol umano sa mga bagay na talagang para sa’yo at hindi. Ayon kay Maine, ang mga bagay umano na nakalaan sa isang tao, anuman ang mangyari, ay talagang mapapasa kamay ng taong ito.

Hindi man umano agaran ngunit sigurado na darating ito sa kanyang buhay kaya ibinahagi rito ni Maine ang kahalagahan ng paghihintay.

“Law of attraction. At (siguro) kung para sayo talaga ang isang bagay, anuman ang mangyari mapapasayo ‘to. Minsan gusto natin andyan agad-agad, pero talagang may tamang panahon para sa lahat ng bagay, kaya dapat matuto tayong maghintay.,” tweet pa ni Maine.

Ngunit, ayon kay Maine ay dapat din umanong matuto ang isang tao na tanggapin ang mga bagay, tulad ng pangarap, na hindi para rito at matuto na pakawalan ito. Tweet pa ulit nito,

“Minsan medyo matagal pero pagdating ng panahon baka ikaw rin at ako cheret makakamit mo din yan. Nakakapagod man (at nakakainip) minsan pero huwag mo bitawan. Patuloy kang mangarap at maniwala pero shempre matuto din tayong tumanggap ng mga bagay na hindi para sa atin… 

“Mararamamdaman mo naman kapag hindi talaga para sayo ang isang bagay, pero hindi ibig sabihin non ay wala na tapos na. Merong ibang bagay na nakalaan para sayo at sana kapag dumating na yung tamang oras para doon ay buong puso mong tanggapin ‘yon sa buhay mo.”

Ang mga makahulugang tweet na ito ni Maine ay agad na naging trending sa Twitter at umani ng mga positibong reaksyon. Ayon sa mga ito, katulad ng ibinahagi ni Maine, ang matiyaga umanong paghihintay ng Kapuso star sa mga bagay na nakalaan sa kanya ang naging susi kaya ito ngayon naroroon sa kung nasaan siya.

Nangyayari talaga umano ang sinasabi ni Maine na ‘Law of Attraction’ dahil lahat ng bagay ay mayroong tamang panahon. 

Dahil sa ginawang tweet na ito ni Maine tungkol sa ‘Law of Attarction’ kaya naging kaswal na paksa ito ng mga netizen at nakakuha rin ang mga ito ng realisasyon mula sa Kapuso star.

Heto ang ilan sa mga naging positobong reaksyon ng mga netizen tungkol sa mga pahayag na ito ni Maine tungkol sa umano’y ‘Law of Attraction’:

“Keep on inspiring young people, Maine! Mas mabuti na magtweet sila ng mga pangarap nila. Hindi ‘yungi puro pambabash at pambubully online inaatupag.”

“Damang dama ko iyong boses ni @mainedcm while reading this. Diretso sa puso. Thanks for this!”

“Thank you @mainedcm, you're the living proof, na indeed, law of attraction is real. Actually, naencounter ko lang about this few weeks ago. Then here it is, your testimony. I'm on the right path.”

“I agree with u. In God's perfect time. Wag ipilit. Habaan ang pasensya kahit ang hirap tlaga. Dasal, tiwala sa sarili at magsumikap din talaga.”

“Aye. Focus on the good and the positive. In His time and with His grace, everything will fall into place. Salamat sa paalala, @mainedcm.”

Source: virtualpinoy


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments