Marami na nga ang nababalita na isinusugod sa ospital dahil sa pag-inom ng sobrang milktea o pagkain ng sobrang maanghang na pagkain tulad noon nung nauso ang “Spicy Noodle Challenge”.
Subalit marami pa ring mga kabataan ang hindi mapahintulot sa paginom ng sobrang milk tea kaya mayroon pa rin iilan na nakakaranas ng ganitong sitwasyon tulad sa nangyari sa isang netizen na ito.
Ayon sa kanya, madalas daw siyang kumain ng maanghanag na pagkain at milk tea ang kanyang inumin. Subalit isang gabi ay sumama na raw bigla ang kanyang pakiramdam at dinala ito sa ospital.
“Sunday night, masama na pakiramdam ko pero I ignored it kasi baka pagod lang ako from work. Then Monday morning, mataas na lagnat ko, so paguwi ko ng house nagtake ako ng med para ma-lessen yung hilo ko pero walang nangayri so pahinga lang ulit ako."
Nang kinagabihan ay bigla raw sumakit ang kanyang tiyan sa itaas na bahagi pataas sa kanyang dibdib at nahirapan na itong huminga. Akala niya nung una ay nakakaranas ito ng heartburn kaya sinugo siya sa Marikina Valley at dinala sa emergency room.
Ayon sa doktor, ang nakapagtrigger pala sa pananakit ng kanyang tiyan ay ang pagkain ng sobrang milktea at spicy food kung saan nagasgas ang lining ng kanyang sikmura.
“Hindi kinaya ng katawan ko ang oral med so I had no choice puro injects ang inabot ko para lang mawala yung pain na nararamdaman ko during that night,”
Ibinahagi naman niya ito sa social media upang ipagbigay alam sa mga taong madalas kumain at uminom ng milk tea.
“Please, ingatan niyo sarili niyo. Hindi lahat ng masarap pwede sa katawan natin.”
Sana maging lesson ito sa lahat na ang pagkain ng sobra ay masama sa kalusugan kahit na gaano ka pa man healthy. Importante na umiwas sa sobrang pagkonsumo nito at mas mabuting balansehin ang pagkain.
Source: Keulisyuna
0 Comments