Hindi kagaya noon, mas maayos na ngayon ang buhay na mayroon ang tinaguriang Badjao girl na si Rita Gaviola at ang pamilya nito. Ito ngayon ang kanyang ipinagpapasalamat sa kanyang mag tagasuporta.
Bago pa man makasali sa Pinoy Big Brother: Lucky Season 7, una nang nakilala ng publiko si Rita matapos nitong maging viral dahil sa kanyang larawan na kinunan habang namamalimos umano ito sa Hiyas Festival sa Quezon.
Labing tatlong taong gulang lamang noon si Rita ngunit, ang natura nitong larawan ay kumuha sa atensyon ng publiko dahil sa kakaiba at natural nitong ganda. Pinag-usapan noon si Rita at nakilala sa publiko.
Ilang taon matapos ang mga ito, dalagang-dalaga na ngayon si Rita at mas lumutang pa ang ganda nito. Sa katunayan, sa kanyang mga larawan sa Instagram ay makikita ang malaking pagbabago na ito sa tinaguriang si ‘Badjao girl’.
Kung noon ay randam na randam ni Rita ang kahirapan kung saan, saad pa nito noon ay minsan lamang daw sila makakain ng maayos ng kanyang apat na kapatid, sa ngayon ay nag-iba na ito at kahit papaano ay maayos na ang kanilang pamumuhay.
Maliban dito, kung noon ay nanlilimos lamang sila ni Rita, sa ngayon ay hindi na nito kailangan pang manlimos para lamang may makain. Maayos na rin umano ang kanilang tahanan kumpara sa dati.
Ngunit, ang pinaka ipinagpapasalamat umano ni Rita ay ang pagkakataon na matupad ang isa sa kanyang mga pangarap; ang makapag-aral. Pumapasok na ngayon ng maayos si Rita at libreng nakakapag-aral sa pamamagitan ng scholarship na ibinahagi sa kanya.
Para kay Rita, mahalaga ang makapag-aral dahil ito umano ang kanyang daan upang mai-ahon ang kanyang pamilya sa hirap ng buhay.
Ang lahat ng ito ang mga ipinagpapasalamat ni Rita. Ayon sa kanya, hindi niya umano akalain na ganito mag-iiba ang kanyang buhay dahil lamang sa natura niyang larawan na hinangaan sa social media.
Ang mga ito ang kanyang ipinaabot sa kanyang mga tagahanga na talagang lubos niyang pinapasalamatan. Sa Instagram, ani pa ni Rita,
“Naalala ko pa noong araw na makuhanan ako ng larawan na ito, di ko mawari aking nadarama may takot saking isipan, at konting sayang nararamdaman dahil sa oras na yun di ko alam ang mga posibleng mangyari sakin…
“Ngunit dumating na ang mga diko inaasahang pangyayari. Yoon po ngayon ang aking pinapasalamat. Unang una po sa ating puong may kapal at pangalawa kay kuya Topher na kung di dahil sa kanya, di mangyayari ang lahat lahat ng ito…
“Sa patuloy po na sumusuporta sakin moral at financial support kay mami Grace na andyan lagi para sakin, at sa lahat lahat po ng sumusuporta at nag titiwala sakin… maraming maraming salamat po.Mahal na mahal ko po kayong lahat.”
Sa ngayon, ayon sa mga ulat ay mayroon umanong mga umaalok kay Rita na maging kanilang modelo ngunit, dahil mas inuuna nito ang pag-aaral, mas minabuti umano ni Rita na magfocus na lamang muna dito lalo na’t nakasalalay umano sa kanyang pagtatapos ang kanyang mga pangarap.
Source: Kiat Media
0 Comments