Naging viral sa social media ang tungkol sa naging pahayag ng kilalang manunulat ng GMA-7 na kung saan binanatan nito si Vice President Leni Robredo at sinabihang mag resign na lamang ito sa kanyang pwesto.
Sa facebook post ni Suzette Severo Doctolero ibinahagi nito ang isang artikulo ng GMA-7 news na kung saan sinabi ni Robredo na may karapatan siyang batikusin ang pamahalaan.
Kaya naman agad na binatikos ni Doctolero si Robredo dahil sa kanyang mapangahas na pagsabi na may karapatan ito sa pagbabatikos sa gobyerno na kung saan parte rin sya sa tinatawag na gobyerno.
“Kahit hindi ako VP, kahit ordinaryong mamamayan lang ako may karapatan akong ipahayag ‘yung aking mga mungkahi. May karapatan akong mag-criticize if I need to criticize, kasi ‘yun ‘yung demands ng pagiging Filipino ko.” saad pa ni Robredo.
“And demands sa akin as a Filipino ay maging bahagi, maging bahagi ako sa nation building,” dagdag pa nito.
Ayon kay Doctolero, wala umanong problema kung batikusin ni Robredo ang pamahalaan, pero dapat ay hindi pambabatikos na may lamang pamumulitika ang kanyang ibinabato.
“Okay lang naman na icriticize niya. Basta sabihin niya, “walang personal interest o ambition ito kasi di ako tatakbo next election you mderpkers kaya I have every right to criticize this %%^** govt!” Ganyan.” saad pa ni Doctolero.
“E di bibilib ako. Pero Hindi. Tatakbo siya, di ba? Amoy na amoy ang ambisyon, na wala namang masama. Kaso vp siya. Part siya ng govt ni Pduts. Kaya bad taste,” dagdag pa nito.
“Parang empleyado ka na sinisiraan ang boss at kompanya mo tapos may kapal ka pa ng mukha na pumasok sa work? Weg genen,” giit pa niya.
Sinabi rin ni Doctolero na mas makakabuti umano na umalis na lamang bilang bise presidente si Robredo dahil wala rin umano itong naitutulong sa gobyerno.
“Mag resign na lang kaya siya as Vp tapos awayin ang govt? mas okay pa iyon, mas may balls. Mas kahanga-hanga at may prinsipyo. Pero pag VP ka, at inaaway mo ang gobyerno At Presidente, maski kaaway-away pa ito, dahil ikaw ang back up, traydor lang at halatang atat ang dating mo,” sabi pa ni Doctolero.
“Shut up, cooperate and help this govt OR leave/resign and speak up. Ganun po ang tunay na disente, madam. Isa ka pang pasaway e! Dami na nga naming problema, dadagdag ka pa!? Lol.” dagdag pa nito.
Source: News Clicks
0 Comments