Mahigit sa 10 Delivery Riders, Sabay-sabay Nabiktima ng Scam sa Las Piñas City

Agad naging viral sa social media ang malaking scam na ito kung saan, mahigit sa 10 delivery riders lang naman ang nabiktima sa Las Piñas City.

Ayon sa trending Facebook post ng netizen at witness na si Natalie dela Cruz, isang ‘AJ Pande’ umano ang may kagagawan ng naturang scam.

Kwento sa kanya ng mga food delivery rider, umorder umano sa kanila ang isang ‘AJ Pande’ gamit ang iba’t ibang contact number sa food delivery service app ngunit, iisang address lamang ang ibinigay nito; sa Pilar Village, Las Pinas City.

Ngunit, nang marating nila ang lugar, wala umanong ‘AJ Pande’ na nakatira sa ibinigay nitong address. Isa umanong senior citizen ang lumabas at nakatira sa bahay na naroon.

“Nakwento sakin ng mga rider na pinick up po nila sa seller 'yung order ni AJ pande. Paiba-iba 'yung contact number na binigay ni AJ pero same address… 

“Wala daw pong AJ Pande na nakatira sa [nakalagay na address]. Senior ang lumalabas sa bahay na iyon,” pagbabahagi pa ng netizen na si Natalie.

Ang matinding panloloko na ito sa naturang mga delivery rider ay agad naging trending at labis na ikinagalit ng mga netizen. Hindi umano maisip ng mga ito kung bakit nagagawa ng isang tao na manloko sa kanyang kapwa.

Ayon sa mga netizen, nalulungkot umano ang mga ito para sa mga delivery rider na nabiktima ng naturang scam. Hindi umano biro ang maloko lalo na’t hanapbuhay nila ang ipinampuhunan dito tapos ay maloloko lang pala ng mga taong walang magawa sa buhay.

Hindi ito ang unang pagkakataon na mayroong naiulat o naging trending na pangsa-scam sa mga delivery rider. Ilang mga Facebook post na rin sa social media ang naging trending dahil sa mga panlolokong ito sa mga delivery rider.

Sa lahat ng mga iyon, ang panlolokong ito sa Las Piñas ang maituturing na isa sa pinakamatindi kaya naman ganoon na lamang ang galit ng mga netizen. Hiling ng mga ito na sana ay agad mahuli at maparusahan ng mga awtoridad ang nasa likod ng scam na ito.

Heto pa ang ilan sa mga naging pahayag ng mga netizen tungkol sa pangyayaring ito:

“Sa mga taong walang magawa sa buhay, ‘wag naman po kayong pasaway at dagdag pahirap dahil every seconds at cents po sa tulad naming mga sellers at pati riders ay napaka importante… Sana ay ma-trace ng NBI ang gumawa nito.”

“Dapat my account profile muna with government ID para atleast maiwasan ang ganito. Pandemic pa naman, mahirap ang buhay tapos ganyan perwisyo. Tsk tsk.”

“Only in the Philippines. Its more fun in the Philippines. Kaloka crisis na nga may mga taong nanloloko pa ng kapwa.”

“I buy food for my rider everytime I order because I know how difficult and risky their job is. It's just sad that some people think this is a joke.”

“Nakakagigil mga gumagawa ng ganito. Naghahanap buhay ng marangal, gaganyanin lang ng mga walang pagmamalasakit sa kapwa. Hays. Masaya ka na nakapanloko ka ng kapwa? May balik yan. Si God na bahala sayo.”

Source: facebook


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments