Banana Cake, Gustong Ibalik ng Isang Customer Dahil Mayroon umanong mga ‘Black Thread’; Mga Netizens, Nawindang!

Natawa na lamang ang mga netizen sa ginawang dahilan ng isang customer na ito na gustong ibalik sa isang Carol Gumba ang in-order niya ritong banana cake.

Ayon sa naturang customer, mayroon umano siyang nakitang mga ‘black thread’ sa naturang banana cake kaya hindi nila ito kinain. Ngunit, alam ng lahat na natural lamang sa banana cake ang mga umano’y itim na mala-sinulid na ito dahil sa saging na inihalo.

Sa ibinahaging Facebook post ni Carol, makikita ang mga screenshot ng usapan nila ng customer na ito.

Noong una, tinanong nito si Carol kung marunong ba raw itong mag-rebond ng buhok. Ayon naman kay Carol, hindi ito marunong ngunit ang kapatid nito ay mayroon daw parlor kung saan ito pwedeng magpa-rebond.

Dahil dito, animo’y nagalit pa ang naturang customer dahil hindi umano makapagpa-rebond ang kanyang asawa dahil dito. Sa kanya umano sila bumili ng banana cake kaya sa kanya rin daw dapat magpapa-rebond ang mga ito.



Hindi naman maintindihan ni Carol ang umano’y punto ng customer na ito ngunit kalaunan, nag-iba na naman ang naging reklamo nito sa kanya.

Dito, humihingi ng refund ang naturang customer mula sa in-order sa kanyang banana cake ng mga ito. Unang naging dahilan nila rito ay dahil hindi nga makapagpa-rebond sa kanya ang kanyang misis ngunit kalaunan, dahil na naman umano ito sa nakita nila sa naturang banana cake.

Ayon sa customer na ito, hindi umano nila nakain ang binili nila ritong banana cake dahil sa umano’y nakita nilang mga ‘black thread’ dito. Pagpapaliwanag naman ni Carol sa mga ito, lahat ng banana cake ay mayroong ganito dahil nga sa sangkap nitong saging.

Ngunit, ipinilit pa rin ng naturang customer na umano’y mga dumi umano ang kanilang nakita sa banana cake. Iba umano ito sa banana cake na kanilang binili sa isang mamahaling bread shop.


Dahilan umano ito para hindi nila makain ang banana cake at tinapon na lamang sa basurahan.

Upang hindi na humaba pa ang usapan, sumang-ayon si Carol sa mga ito na bibigyan sila ng refund ngunit, kailangang ibalik ng mga ito sa kanya ang banana cake.

Ngunit, nagdahilan na naman ang naturang customer at sinabing naipakain na umano nila sa kanilang aso ang banana cake kaya hindi na nila ito maibibigay.

Sagot naman ni Carol sa mga ito, paano umano siya makapagbibigay ng refund kung wala namang produkto na naibalik sa kanya. Kaya naman, idiniin niya sa mga ito na hindi siya magbibigay ng refund kahit na ireklamo pa umano siya ng mga ito.


Dagdag pa ni Carol, sila lamang umano ang tanging customer na mayroong reklamo sa kanya dahil maayos ang kanyang serbisyo sa mga ito. Kaya kung mayroon umanong problema ang mga ito sa kanya, huwag na umanong magpaligoy-ligoy pa ang mga ito.

Hindi naman na nakapalag ang customer na ito sa naging pahayag ni Carol at simpleng ‘K’ na lamang ang isinagot dito.

Natawa na lamang ang mga netizen sa ginawa ng customer na ito na umano’y hindi rin nila maintindihan kung ano talaga ang gusto. Nakakagalit man ay natawa na lamang umano sila sa ipinakitang ugali ng naturang customer.

Source: facebook


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments