Viral ngayon sa social media ang tungkol sa naging pahayag ng isang archbish0p sa bansa matapos nitong sabihin na hindi na umano kailangan ng face mask at face shield ng mga taong nagsisimba.
Ayon sa paring katoliko na si Archbish0p Emeritus Ramon Arguelles, hindi na umano kakailanganin ng mga proteksyon laban sa COVID dahil protektado na umano sila ng Diyos.
“Hindi na kailangan ‘yang mask, hindi na kailangan ‘yang face shield, hindi na kailangan ‘yang social distancing.” ayon pa kay Archbish0p Arguelles.
“Bakit? Mahal tayo ng Diyos at mahal natin siya… He is the great healer. ‘Pag ang Diyos nasa atin, you don’t have to worry,” dagdag pa nito.
Maraming mga netizen ang nadismaya sa naging pahayag ng isa sa pari ng katoliko dahil tila mas hinihikayat umano nito na huwag sumunod sa ipinapatupad ng gobyerno.
Ayon pa sa netizen, mas mabuti na umano na doble ingat dahil na rin sa pandemyang kinakaharap ng bansa.
Dahil dito, agad na kinontra ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang naging pahayag ng alagad ng simbahan.
Pinayuhan rin ni Roque na mas makakabuti umano na pagtuunan na lamang ng mga pari ang aspeto ng pananampalataya.
“I hope we stick to our roles in society. Ang mga bish0pes po kinakailangan sa pananampalataya lang tao….” saad pa ni Roque.
“Well, i-encourage po natin ang pagsusuot ng face mask kaysa po i-discourage,” dagdag pa nito.
Source: News Clicks
0 Comments