Ito ang mga Gorilla na Marunong mag Pose sa mga Selfie ng mga Anti-Poaching Rangers


Tunay na nakaka-aliw pagmasdan ang mga litrato ng mga alagang hayop. Lalong-lalo na kung nakuhanan ito sa magandang anggulo. Pero karaniwan ay maraming kuha ang ginagawa para mahuli ang pinaka-magandang litrato.

Ang iba kasing hayop ay hindi basta-basta tumitingin sa mga camera. Pero isipin niyo na lang kung marunong mag-pose ang mga hayop, malamang ay maraming maaaliw. Kaya naman lubos na kinaaaliwan ng mga tao ang mga litrato ng mga hayop sa Internet.


Katulad na lamang ng mga litratong ibinahagi ng Facebook page na The Elite AntiPoaching Units And Combat Trackers. Patungkol sa mga Gorilla na marunong mag-pose sa pagkuha ng litrato. Ang mga rangers na nagtatrabaho sa Virunga National Park, na isang UNESCO World Heritage Site sa Democratic Republic ng Congo. Mapansin sa mga ibinahaging mga litrato ang mga nakaka-aliw na Gorilla na akalain mong katulad ng tao kung mag-pose sa camera.

Pero isang partikular na litrato ang nag-viral dahil sa nakaka-bilib na pose ng mga Gorilla. Sa litratong ito ay ipinakita ang dalawang rangers na kasama ang dalawang Gorilla na sina Ndakasi at Matabishi. Ang dalawang Gorilla ay naninirahan sa Virunga National Park. Nakaka-tuwang pagmasdan ang mga litrato na aakalain mong inaantay talaga ng mga Gorilla na kuhanan sila ng litrato dahil marunong silang mag-pose.

Ito ang naging dahilan ng pagiging viral ng litrato ng mga Gorilla sa Virunga National Park. Umani ito ng maraming likes at nagustuhan ng mga netizens ang pag-posing ng mga Gorilla.
Isang netizen ang nag-komento sa post na ito at sabi:

“What an amazing photo! It’s wonderful to see how comfortable the gorillas are around you. They know that you protect them like you would your own family,”

Ibig sabihin ay nagustuhan ng mga Gorilla ang pakiki-salamuha sa mga tao kaya nagagawa nila ito. Ito rin ang magpapatunay na magaling ang mga nag-aalaga sa kanila. Karagdagan pa ay tanggap at itinuturing na rin na kaibigan o kapamilya ang mga rangers na nagsisilbing taga-alaga at taga-protekta nila.

Hindi biro ang mag-alaga ng ganitong klaseng hayop, isang maling pagkakamali lamang ay maaaring mapahamak. Pero sa mga litrato na ibinahagi ay masasabing mababait ang dalawang Gorilla na nakaka-aliw.


Kaya abangan pa natin ang ilan pang mga selfies ng mga Gorilla sa lugar na ito. Baka mas nakaka-aliw ang mga susunod na mga litrato.


Source: Keulisyuna

Post a Comment

0 Comments