BB Gandanghari, May Ibinahagi Tungkol kay Daniel Padilla at Mariel Padilla

Nitong nakaraang mga araw, naging laman ng social media si BB Gandanghari dahil sa mga naging rebelasyon nito sa kanyang vlog. Ngunit, maliban dito, dahil din ito sa mga pagbabahaging ginawa ni BB tungkol sa kanyang pinagdaanan bilang isang transgender woman.

Sa isa sa mga panayam na pinaunlakan ni BB kamakailan lang, mayroon itong nabanggit tungkol naman sa kanyang mga kamag-anak na sina Daniel Padilla at Mariel Padilla.

Ayon kay BB, nalungkot umano ito at nagkaroon ng tampo nang hindi man lang siya binisita ng kanyang pamangkin na si Daniel at ng kanya namang sister-in-law na si Mariel. 

Nang magpunta umano ang mga ito sa Estados Unidos kung saan nakabase ngayon si BB, hindi man lang umano siya binisita o kinamusta ng mga ito. Kaya naman, nagtatampo at mabigat ngayon ang kanyang loob sa dalawa.

Nakakalungkot umano na sa prosesong ito ng kanyang ‘transition’ upang maging isang transgender woman, mag-isa lamang siya.

Ang panayam na ito ni BB ay nangyari nito lamang ika-16 ng Setymebre sa Showbiz Talk Ganern ng DZRH.

Dito, naging bukas si BB sa pagkukwento tungkol sa pinagdadaanan niya ngayong ‘transition’ para maging isang transgender woman. Ayon kay BB, sumasailalim umano ito ngayon sa ‘hormonal replacement program’.

“I am in the middle of the very long process. I am dealing with my hormone replacement program… I am under the care of a very competent medical provider,” pagbabahagi pa ni BB.

Ngunit, maliban dito, mayroon din umano itong isa pang importanteng bagay na pinagdadaanan. Nasa proseso umano ngayon si BB nang pag-aalaga sa kanyang mental health na kailangan para sa malaking pagbabago na ito sa kanyang buhay.

Naibahagi niya rin ang kanyang adbokasiya na mayroong kinalaman dito. Ayon kay BB, nais niya umanong alisin ang stigma na umano’y nababaliw silang mga sumasailalim sa ‘hormonal replacement program’.

“I am also dealing with my mental health not beacause… again, it is a misconception na ang hormones would make you crazy.

“It is very unfortunate na nanggagaling pa ito sa mismong ibang mga transgender individuals na, maybe, merong hindi magandang experience. Kasi hindi nga siya madali.

“I actually worked as an advocate, as a transgender patient advocate na you should do mental health. ‘Yung meron kasing mga mental health providers na you should do that, not because you think you’re crazy, but to prepare yourself for the big change…,” pagkukwento pa nito.

Ayon kay BB, kinailangan umanong malaman ng marami lalo na ng kayang mga kapwa transgender woman na mayroon at mayroong magbabago sa kanilang psychological health at kailangan nilang sumailalim sa mental health program upang maiwasan ang pagkalito.

“Psychologically, there will be a change. You will start thinking as a woman, not as a man.

“And so, if you do your hormone replacement program before this mental health program, mawawala ka, malilito ka,” paliwanag pa ni BB.

Maliban dito, patuloy din ang pakikipaglaban at mga adbokasiya ni BB tungkol naman sa mga karapatan na dapat ay mayroon silang mga transgender woman.

Source: mostrendingph

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments