Hindi isinakay ang isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito na Talagang Kinaglit ng Netizen


Ang ating bansa ay binubuo ng iba’t ibang lahing katutubo at isa na nga dito ang mga Aeta. Mas maitim ang kanilang kutis kumpara sa nakasanayan na kayumangging kulay ng mga Pilipino at kulay itim rin ang kanilang kulot na buhok. Madalas silang manirahan sa bulubundukin at mga liblib na lugar noong unang panahon ngunit dahil na rin sa kawalan ng makain sa bundok ay napipilitan silang bumaba sa patag para makipagsapalaran.


Hindi sanay ang katutubong Aeta sa kalakaran ng mga tao sa lungsod kaya naman mayroong mga pagkakataon na sila ay naloloko o di kaya naman ay binabale-wala ng ibang tao lalo na at hindi rin nakapag-aral ang karamihan sa kanila.
Sa katunayan, isang pangyayari sa bus station ang naging viral kamakailan lang sa social media nang isang concerned netizen ang nagbahagi ng kwento ng pamilyang Aeta na hindi pinasakay ng mga airconditioned na bus.


Ang nasabing kwento ay ibinahagi ni Mikhael Petito sa kaniyang Facebook account.
“…Habang naghihintay ako ng bus papuntang Pasay napansin ko sila sa gilid ng shed may kausap na babae. Nacurious ako and lumapit kung saan sila papunta. Nalaman ko sa Sta.Cruz, Pampanga lang sila at AYAW SILANG PASAKAYIN sa mga aircon bus??? 2 bus na daw ang dumaan at tinanggihan silang sumakay…,” saad ni Petito.


Makikita sa ilang larawan na payak lang ang kanilang kasuotan at mayroong dala-dalang bag sa kanilang likuran. Tahimik lang silang nag-aabang sa bus station ngunit hindi naman binibigyan ng pagkakataon na makasakay dahil hindi sila pinapahintulutan ng mga driver at konduktor. Sa kabutihang palad ay natulungan sila ni Petito na makasakay sa isang mini-bus na dumaan at sa wakas ay nakatuloy din sa nais nilang puntahan.

Tinawag din ni Petito ang pansin ng pamunuan ng Victory Liner at muling pinaalala ang pagkakaroon ng bawat mamayang Pilipino ng pantay na karapatan kahit na nagmula pa sila sa ibang lahi.



Source: Keulisyuna

Post a Comment

0 Comments