BB Gandanghari, May Patutsada Para Kina Ai Ai delas Alas, Lolit Solis, Cristy Fermin, at Ogie Diaz

Matapos ang hindi umano magagandang pahayag nina Ai Ai delas Alas, Ogie Diaz, Cristy Fermin, at Lolit Solis para kay BB Gandanghari dahil sa mga naging rebelasyon nito, naglabas din ng pahayag si BB patungkol naman sa mga reaksyong ito nina Ai Ai. 

Sa isang vlog nito na kanyang ibinahagi, matapang at diretsahang inisa-isa ni BB ang mga taong ito na naging kritiko sa kanyang mga ibinunyag sa publiko. Ani pa nga ni BB,

“Ito na naman sila Cristy Fermin, ‘di ba magkakamukha sila? Itong sila Cristy Fermin, Lolit Solis, itong si Ogie Diaz, magkakamukha, hindi ba? Hindi ba iisa ang nanay niyan? Magkakamukha eh. Magkakakulay ang gilagid, mga sinungaling.”

Ang mga inidbidwal na ito ay naging bukas sa kanilang pahayag na hindi tama ang ginawa umanong pagbubunyag ni BB sa ibang tao na nananahimik naman. Kaya naman, ma-aanghang ang mga binitawang salita ni BB laban sa pahayag ng mga ito laban sa kanya. 


Una sa kanyang kinwestyon ay si Ai-ai delas Alas na tinawag pa ni BB na isa umanong ‘ipokrita’. Mensahe niya pa para sa komedyante,

“Kagaya ng sinabi ko sa iyo sa text, uulitin ko dito. Ipokrita ka. Sa lahat ng kaibigan mo ngayon, si Rustom ang tanging kaibigan mo nung hindi ka pa sikat. Si Rustom, hindi ka pa Ai-Ai delas Alas, inaakap ka na noon. At ngayon nakarating ka diyan, makapagsalita ka akala mo… ipokrita. ‘Yan ang sinasabi ko sa inyo. Kaibigang putik.”

Para naman sa batikang kolumnista na si Manay Lolit Solis, mayroong naging pasaring si BB para rito.

“E, di ba, ikaw ang nagbuke-bukelya kay Sam Milby at Piolo Pascual?,” makahulugang tanong niya pa kay Lolit.


Hindi rin inurungan ni BB ang mga naging pahayag sa kanya ni Cristy Fermin. Saad pa ni BB para rito, kaya niya umanong panindigan at patunayan na pawang katotohanan ang lahat ng kanyang mga ibinahagi sa publiko.

Dadag pa ni BB, hindi rin umano ito natatakot na harapin si Cristy. Saad niya para rito, 

“Cristy Fermin, pwede kitang harapin kahit saan at paninindigan ko ang sinasabi ko at lahat, every word. Sabi ko na nga ba, impakta ka eh, nakatago ka kung saan, nakita mo lahat? Really?”

Mabigat naman ang mga naging pahayag at paratang ni BB para kay Ogie Diaz na ayon sa kanya ay mayroon umanong malaking utang at atraso kay Rustom Padilla. Idiniin niya rin na hindi umano nito hahayaang magmalinis ang komedyante.


Maliban dito, maging ang pagkwestyon ni Ogie sa kanyang mental health ay hindi niya rin ikinatuwa. Masaya umano ito sa kanyang buhay kaya walang basehan ang umano’y pagkukuwestyon nito sa kanyang mental health.

“At ikaw, Ogie Diaz, malaki ang utang mo kay Rustom. Meron kang atraso, alam mo iyan. Huwag kang magmalinis at hindi ako tatahimik para pabayaan kang magmalinis. Kapal nito….

“Ito namang si Ogie Diaz isa din. How dare you? Kukuwestyunin mo ang mental health ko? Ang kapal mo. I am not depressed, I am happy, as what my daily viewers can see,” ani pa ulit ni BB.

Source: biztalkph

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments