Mayor Isko Moreno, Sinagot ang mga Tanong ni Karen Davila Tungkol sa Manila Bay Project

Diretsahan ang mga naging sagot ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga ibinatong tanong sa kanya ni Karen Davila tungkol sa mga umano’y kontrobersiya sa likod ng Manila Bay Project, partikular na ang paglalagay dito ng puting buhangin.

Dito, tinanong ni Davila si Moreno tungkol umano sa posibilidad na kung maaari ay pwede pang maipatigil muna ang proyekto. Si Moreno ay kilalang sumusuporta sa proyektong ito para sa Manila Bay.

“Well, what will be [the] major reason to stop and what are we going to gain when we stop? It’s long overdue, Karen. Let’s be fair to the environmentalists who fought for this for… 20 years.

“There must be a valid reason to stop this project. This is a rehabilitation. Let’s go back to its principle, no? Baka lang nakakaligdaan natin. This a rehabilitation of the entire Manila Bay. and you are just talking only of Manila alone… This is just the beginning,” sagot pa ni Moreno.

Tungkol naman umano sa pagkokonsidera ng panahon ngayon sa pagpapatupad nito, matagal na umanong nasimulan ang naturang proyekto bago pa man nagkaroon ng pandemya.

“Karen, timely? Eh, two years ago pa ito eh. Hindi naman ‘to sinimulan noong isang linggo, noong isang buwan, o noong January. This is two years ago. So, it didn’t happen overnight. 

“It’s just that your attention, or some other individual attentions were called when it is white sand. What if it is black sand?,” makahulugan pang sagot ulit ni Moreno kay Davila.

Sa naturang panayam, nabanggit din ni Davila ang tungkol umano sa pagpapahayag ng ilang mga senador ng kanilang pagtutol sa proyektong ito dahil sa umano’y maaaring epekto ng pagtatambak daw ng white sand sa Manila Bay.

Hindi rin inurungan ni Moreno ang pagsagot at pagpapahayag ng kanya ring opinyon tungkol dito. Ani ni Moreno,

“These lawmakers, I understand their feelings. But remember, they’re part also of the approval of the 2020 budget last year. And it was presented to them, one way or another. Kasi may program naman ‘yan.”

Mula nang lumabas ang balita na sinimulan na ang pagtatambak ng puting buhangin sa Manila Bay, lumabas din ang mga kritiko nito lalong lalo na sa social media.

Maliban sa pagiging hindi umano magandang panahon ngayon para gawin ang naturang proyekto, isa rin sa mga dahilan ng mga oposisyong ito ay ang masamang epekto umano ng naturang proyekto sa kalikasan at maging sa kalusugan.

Ang mga kalituhang ito ay diretsahan ding sinagot ni Moreno. Ayon sa kanya, hindi naman umano ipapahamak ng mismong Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kalikasan na siyang kanilang unang prayoridad.

Sa kalusugan naman, ang Department of Health (DOH) na rin umano mismo ang nagsabi na hindi ito mapinsala sa kalusugan ng publiko. Kaya naman, wala na umano dapat na ipag-alala pa ang publiko.

Idiniin din dito ni Moreno ang kanyang malaking tiwala para sa gobyerno at DENR kaugnay ng proyektong ito. Ayon sa kanya,

“Sino pang hindi natin pagkakatiwalaan kung ‘yung ang pamahalaang katulad nito ay nangangalaga ng kapaligiran, gumagawa ng isang proyekto after so many years and decade of built. Now it’s being addressed.”



Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments