Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo nito lamang ika-17 ng Setyembre si lola Nelia Gomez upang ireklamo ang kanyang 65 taong gulang na mister dahil sa pakikipagrelasyon daw nito sa isang 20 taong gulang na estudyante.
Ayon kay lola Nelia, bagama’t umuuwi pa rin sa kanya si lolo Daniel Gomez, patuloy pa rin umano ang komunikasyon at pakikipagkita nito sa kanyang babae. Saad pa nga raw nito sa kanya, mababaliw daw si lolo kapag iniwan nito ang kanyang 20 taong gulang na kalaguyo.
Nang tanungin naman kung ano raw ang maaaring dahilan ng pakikipagrelasyon ng dalaga kay lolo, ayon kay lola ay pera umano ang dahilan. Nagtatrabaho raw kasi si lolo sa isang ospital bilang maintenance at maayos ang sweldo nito.
Dagdag pa ni lola, dahil umano sa relasyon nito sa naturang babae ay nalulubog umano sa utang ang kanyang mister.
Nang makausap naman ng programa ang tinutukoy ritong babae na si Bernadette Nogales, hindi niya umano itinatanggi ang paratang na nagkaroon sila ng relasyon ni lolo Daniel ngunit, natapos na umano ito noong Hulyo pa.
Ganito rin ang naging saad ni lolo Daniel nang ito naman ang tanungin ni Raffy tungkol sa pakikipagrelasyon nito sa dalaga.
Ngunit, taliwas sa sinasabi ni lola Nelia na pera ang kanyang dahilan sa pakikipagrelasyon sa mister nito, wala umanong pera na naibigay sa kanya si lolo at mas lalong hindi ito ang dahilan ng pagkakaroon nila ng relasyon.
Paglilinaw nito, wala umano siyang natatanggap na sustento mula rito at wala umano siyang alam sa mga sinasabi ni lola Nelia na mga pagkakautang ni lolo Daniel. Hindi rin umano siya pinapaaral nito.
“Hindi ko naman po tinatanggi ‘yon pero matagal na po kaming wala, ‘nung July pa po…
“Lahat po ng sinabi n’yo meron siya pero pera, wala,” ani pa ni Bernadette.
Dagdag pa nito, nagtataka umano siya kung bakit sinasabi ni lola Nelia na kinukuha niya ang pera ni lolo Daniel kung nasa kay lola Nelia naman umano dumideretso ang sweldo ng kanyang mister.
Pakiusap ngayon ni Bernadette, sana raw ay tigilan na siya ng mga ito at kung kailangan nilang magharap, hindi na umano dapat na nakaabot pa ito sa programa ni Raffy. Para naman kay lola Nelia, nagsisinungaling umano si Bernadette dahil alam niya umano na mayroon pa rin silang komunikasyon o nagkikita pa rin sila nito ng kanyang mister.
Napagdesisyunan naman ng programa na pag-ayusin na lamang umano ang tatlo. Ayon sa mga ito, kahit umano na umuuwi pa rin si lolo Daniel sa kanyang asawa, kung iba naman umano ang gusto nito ay hindi pa rin umano matatapos ang gulo.
Ayon kay lola Nelia, ito raw talaga ang kanyang gusto na masampahan na lamang ng reklamo si lolo Daniel. Ngunit, bago ito ay susubukan muna ng programa na baka magkaayos pa silang tatlo.
Source: Kiat Media
0 Comments