Maraming mga netizen ang naantig sa viral kwento ng tatay na ito na nakunang gumagamit ng dahon ng saging bilang kanyang face shield sa Cauayan City, Isabela.
Ayon sa ulat, mga pulis umano ang nakakita sa lalaking ito suot ang kanyang face shield na dahon ng saging. Sa pangunguna ni PSSg Mark Anthony Ramirez sa isinagawang checkpoint sa Brgy Alinam sa Cauayan City nito lamang Sabado, ika-12 ng Setyembre, namataan ng mga pulis na ito si tatay.
Nakabisikleta umano si tatay ng mga oras na iyon at pinahinto lamang ng mga pulis upang tanungin tungkol sa suot nitong face shield. Tinanong umano ito ni PSSg Ramirez kung bakit ito ang ginagamit niya bilang faceface shield.
Sagot naman umano ni tatay, wala raw kasi itong pambili ng aktwal na face shield na ibinebenta kaya naisipan nito na dahon ng saging na lamang ang kanyang gagamitin.
Dahil sa sitwasyon na ito ni tatay, agad na nag-abot sina PSSg Ramirez at ang kanyang mga kasamahang kapulisan ng face shield para kay tatay.
Hindi ligtas ang gamit nitong face shield kaya naman, dahil sa wala itong pambili, ang mga kapulisan na ang nagmagandang loob na bigyan ito ng mas ligtas na face shield.
Ang pangyayaring ito naman ay ibinahagi ng Cauayan City Police sa social media kaya agad itong naging viral. Marami sa mga netizen ang naantig sa kwentong ito ni tatay na kahit walang pambili ng face shield ay gumawa pa rin umano ng ibang paraan.
Iyon nga lang, hindi ligtas ang naisip ni tatay na solusyon kaya mabuti na lamang ay mayroong mga kapulisan na hindi nagdalawang isip na mag-abot dito ng face shield para na rin sa kaligtasan ni tatay.
Sa Isabela, mandatory o kinakailangan na lahat ng mga naroroon ay nakasuot ng face shield lalo na kapag nakasakay ito sa pampublikong sasakyan o di kaya ay nasa pampublikong lugar o pagtitipon ang mga ito.
Dahil sa ipinamalas na kabutihan ng naturang mga pulis sa Cauayan City, Isabela, tumanggap ng kabi-kabilang papuri ang mga ito mula sa mga netizen.
Maliban dito, kahit naantig at nalungkot sa kanyang kwento, pinuri rin ng mga netizen si tatay dahil kahit paano ay sinikap nito na sumunod sa batas imbes na maging pasaway na lamang. Dahil dito, mayroong iilan sa mga netizen ang nagpahayag pa ng kagustuhan na mag-abot ng tulong kay tatay.
Heto pa ang ilan sa mga iniwang komento ng mga netizen tungkol sa kwentong ito ni tatay:
“It's good to read an act of kindness, certainly there are good people, one does not have to be rich to be kind…”
“‘Yung halaga kasi ng facemask na 25 dito malaking bagay na sa kanila ‘yun eh. Naransan ko ‘yan lalo na kung walang wala ka at bawat piso mahalaga.”
“Kung ganyan sana kabait ang lahat ng pulis, ang respeto at tiwala ng mamamayan ay hindi mailap sa kanila. Isang magandang halimbawa ‘yan na dapat pamarisan ng kapulisan natin…”
“Para sa iba, simple lang makabili ng facemask at faceshield… Pero para sa ibang katulad ni tatay na pahirap ang buhay ni pambili ng bigas wala pa… nakakalungkot lang.”
Source: Kiat Media
0 Comments