Hinangaan Ang Estudyanteng Ito Na Nagtitinda Ng Balut At Chicharon Para Makapag-Aral


Hindi lahat ng bata ay nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral. Ang iba dahil sa hirap ng buhay at kapos sa pera ay kinakailangan na nilang magtrabaho kahit sa murang edad pa lamang upang matustusan lamang ang kanilang pang araw-araw. 

Pero ang mas kahanga-hanga, na kung sino pa talaga ang hirap sa buhay ay sila pa ang mas determinado at mas nagsusumikap upang sila lamang ay makapagtapos. At hindi nagiging hadlang ang kanilang estado sa buhay upang maka-graduate lang sa kolehiyo.


Isang estudyante ang hinangaan ng maraming netizens dahil sa kasipagan nito sa pagtitinda ng balut at chicharon habang suot ang kanyang unipormeng pang-eskwela para lang may pantustos siya sa kanyang pag-aaral.

Ayon sa isang post ng netizen na si Maria Michelle Awing-tauli, kinilala ang binatilyo na si Jonel Tejedo, isang BS Hospitality Management student sa University of Cordillera sa Baguio City. Galing sa isang hindi marangyang pamilya, ay handa naman si Jonel upang gawin ang lahat makapagtapos lamang siya sa pag-aaral upang magkaroon ng magandang buhay. 


Nasa high-school pa lamang siya noon ay kung ano-ano na ang kanyang mga ibinebenta tulad ng balut, chicharon, at iba pang items para lamang masuportahan ang kanyang panggastos sa eskwelahan.

Matapos masuportahan ang sarili at makapagtapos ng high school ay pinagpatuloy niya pa ring ang pagbebenta ng pagkain upang siya naman ngayon ay makapagtapos sa kolehiyo. Ilang buwan lamang ang nakalipas ng nakahanap din ito ng tulong sa mga netizens para sa pambili ng kanyang uniporme.

Samantala, narito ang naging pahayag ng netizen na si Maria sa masipag na batang ito:

"Was so speechless when I saw him coming down the stairs. I really admire him. Despite his condition he manage to sacrifice and earn by doing this. May the young generation imitate his perseverance. He came from school and need to roam around to sell balot, pugo, and chicharon. The road may be long and bumpy but success is still at the end of the line."


Matapos maishare ang post nito ay marami ring netizens ang humanga sa kasipagan ni Jonel dahil hindi ito nanlimos upang humingi ng tulong. Sa halip ay nagtiyaga ito na maghanap buhay kahit na siya ay nag-aaral. Sana ay maging inspirasyon din siya sa mga kabataan upang mas pagbutihan ang kanilang pag-aaral. 


Source: Keulisyuna

Post a Comment

0 Comments