Isang nakakaantig na kwento ang ibanahagi ng Christian at blogger na si Josh Stoneman. Ang kwento niyang ito ay tungkol sa isang totoong pangyayari na kanyang naranasan noong ito ay magbakasyon sa bansang Malaysia.
Ayon kay Josh, matapos ang isang araw na paglilibot sa syudad ay nakarating umano ito sa tabi ng isang ilog doon kung saan, napagdesiyunan niya munang magpahinga.
Ngunit, hindi pa man nagtatagal ang kanyang pag-upo sa isa sa mga upuan doon ay mayroon nang isang lokal na lumapit sa kanya. Kwento ni Josh,
“Shortly after sitting on a small bench, a young woman came and sat next to me. I could see from her poorly done makeup and the way she dressed that I was probably a customer to her.
“I suspected her business was prostitution.”
Nagpakilala umano ang babaeng ito sa kanya bilang si Anette. Matapos nito, tahimik lamang umano silang dalawa ngunit, sa pag-iisip pa lamang umano sa trabaho na mayroon si Anette ay hindi maiwasan ni Josh na maawa rito.
Kaya naman, nilinaw niya umano sa naturang babae na hindi siya nito kustomer kundi isang kaibigan. Ani ni josh,
“I asked what she did for work. She explained in broken English that her job was to have sex. When she said this I could tell she was partly ashamed to admit this and also partly wondering if I was interested.
“I told her, “I am not a customer; I am a friend.””
Inalok niya umano si Anette na kumain sa isa sa mga malapit na kainan doon. Habang naglalakad kasama ang babae, nakita niya umano ang pag-iba ng tingin sa kanya ng mga tao at ang mga mapanghusga nitong mga titig.
“When we sat down at this riverside restaurant, I could tell from her body language she felt out-of-place. “Have people taken you out to eat before?” I asked. She said, “No, never!”,” dagdag kuwento pa ni Josh.
Habang iniintay ang kanilang pagkain, nakilala niya pa umano nang lubosan si Anette. Ayon dito, kahit na hindi umano nito gusto ang trabaho ay wala umano itong mapagpipilian dahil kailangan nitong buhayin ang kanyang nakababatang kapatid.
Hindi umano sapat ang kinikita nito sa pagsasaka kaya kailangan nitong isakripisyo ang sarili upang kumita ng extra.
“I don’t like work but I like having a customer. At least then I’m not alone. I don’t like being alone. Because of travel and work I have no friends. I don’t like my work but what can I do?,” kwento pa raw ni Anette kay Josh.
Dahil sa rebelasyong ito ni Anette, isa lamang umano ang naisip noon ni Josh: ang ipakilala si Anette sa Panginoon.
“When she locked eyes with me and said, “You are good man,” I took the opportunity to share the Gospel with her. I tried my best to explain it in a way that she would understand, but the language barrier was strong.
“I tried to make sure that she at least knew the name Jesus. After that, I knew the best thing I could do was show Jesus to her.”
Matapos nilang kumain, binilhan niya rin umano ng mga damit si Anette at ang kapatid nito na siya namang ikinatuwa ng babae. Binigyan niya rin umano ito ng pera na kahit papaano ay makakatulong umano rito.
Nang magpaalam na umano siya kay Anette, noon lamang umano nito napagtanto na talagang walang hinihingi ritong kapalit si Josh. Nakita niya umano kung paanong hindi ito makapaniwala sa nangyayari kaya naman, ganoon na lamang ang tuwa nito habang pauwi sa kanyang kapatid.
“I saw her walk away happy to find her sister with new clothes in one hand and a meal in the other. I realized, this is what Jesus does for us. He sees us in a way that no one else may. He gives us more than new clothes and a meal — He gives us a new name.
“We sell ourselves to the things in this world all the time, but He takes us and buys us back. He loves us with a love that cannot be described,” muli pang pagbabahagi ni Josh.
Source: biztalkph
Source: Kiat Media
0 Comments