IG Posts Nina Karla Estrada at Min Bernardo Tungkol sa Kasal, Ano Kaya ang Ibig Sabihin?

Nitong nakaraang mga araw, parehong nagbahagi ng misteryosong mga larawan sa kanilang mga Instagram accounts sina Min Bernardo, ina ni Kathryn Bernardo, at Karla Estrada na nanay naman ni Daniel Padilla, na mayroong kinalaman sa kasal.

Unang nagbahagi sa dalawa si Min kung saan, nagpost ito ng larawan ng animo’y isang bridal gown at may caption na “KN”.

Ganito din ang naging caption ni mamshie Karla sa kanya namang IG post kung saan, larawan naman ng mga umano’y wedding invitation ang kanyang ibinahagi.

Kaya naman, dahil sa mga ito ay hindi maiwasan ng Kathniel fans na magtaka at gumawa ng mga spekulasyon kung ano ang kinalaman ng mga ito sa Kathniel.


Dahil sa ang naturang mga larawan ay may kinalaman sa kasal, hindi maiwasan ng karamihan sa mga Kathniel fans ang umasa na umano’y baka sa simbahan na raw ang tuloy nina Daniel at Kathryn na mahigit walong taon nang magkarelasyon.

Mas pinalakas pa ang hulang ito ng mga fans dahil sa mga IG stories kung saan, makikitang magkasama ngayon sina Daniel at Kathryn.

Heto ang ilan sa mga naging reaksyon ng mga netizen tungkol sa cryptic IG posts na ito ng dalawang nanay ng Kathniel:

“‘Pag ang KN kinasal jusko, magwawala buong mundo.”

“Yesterday si tita Min… Now it's momshie Karla's turn. We rejoice in the grace of God. OK na kung ano man ibig ipahiwatig n’yan basta Kathniel lang hanggang sa dulo ng walang hanggan support ko sila.”

“Tita!!!!!!!!!!!!! Sana hindi sitcom, sana hindi movie sana TRUE na, ayaw namin ma hopia.”

“Shet we demand an explanation mamsh!!!!”

“Mga tita naman ang puso namin naloloka na.”

Ngunit, maliban sa mga reaksyong ito, mayroong iba na nagsasabing baka tungkol umano ito sa bagong proyekto o sitcom raw ng Kathiel. Hula ng mga ito, baka mag-asawa o kasal daw sina Daniel at Kathryn sa bagong proyektong pagsasamahan ng loveteam at real-life couple.

Kung ito man umano ang ipinahihiwatig ng mga larawang ito, excited na umano ang Kathniel fans sa proyektong ito at abang na abang na sila kung kailan ito mangyayari.

Komento pa nga ng ilan sa mga ito,

“Malapit lapit na nga ang #KathNielSitcom nagpaparamdam na.”

“OMG KASAL BA SILA SA SITCOM!!?”

“Wow! Wedding bells ba @bernardomin sa kathniel sitcom? Excited much.”

Ngunit, maliban sa mga spekulasyong ito, mayroong ibang mga netizens na nagsasabing baka raw hindi ang Kathniel ang ikakasal kundi ang nanay ni Daniel na si Karla. Ani ng mga netizens na ito, baka raw ikakasal na si Karla sa boyfriend nito ngayon.

“Baka naman si tita karla at ang jowa niya ang ikakasal?”

“Si Karla Estrada po yung ikakasal. Wag kayong ano hahaha.”

Sa ngayon, wala pa ring opisyal na pahayag kung ano talaga ang ibig sabihin ng misteryosong IG posts na ito ng dalawang ina kaya naman, patuloy lamang din ang iba’t-ibang hula ng mga netizen.

Saad pa ng mga ito, kung anuman umano ang ibig sabihin nito, sigurado at tiwala raw sila na magandang bagay ito para kina Daniel at Kathryn.

Source: KAMI

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments