Sa isinaad na resulta ng isang pag-aaral ng British Firm na CompareMyMobile, lumalabas na mas malaki umano ang tyansa ng mga gumagamit ng iPhone na makahanap ng ka-date kaysa sa mga taong gumagamit ng mga Android phones.
Ayon sa pag-aaral na ito, mayroon umanong malaking epekto ang gamit na gadget o handset ng isang tao sa posibilidad ng pagkakaroon nito ng potensyal na karelasyon.
Sa pag-aaral at pagmomonitor na isinagawa sa mahigit 50,000 na iba’t-ibang dating apps, lumalabas na ang mga tao umano na gumagamit ng iPhone, anuman ang model nito, ay mayroong 76% na tyansang makakuha ng ‘swipe right’. Ang ‘swipe right’ ay ginagawa ng isang tao na gustong maghayag ng interes.
Malaking-malaki ang kaibahan nito sa lumabas na datus para sa mga gumagamit ng Android phones. Sa iba’t-ibang mga Android phone, ang brand na Samsung ang siyang nangunguna ngunit, nasa 19% lamang umano ang tyansa na makatanggap ito ng ‘swipe right’.
Mas mababa pa sa tyansang ito ang nakukuha ng ibang mga Android phone brands na Huawei, Sony, Google, at One Plus. Pinakamabababa sa mga ito ay ang mga gumagamit ng Blackberry phones kung saan, umaabot lang naman umano sa 74% ang tyansa na mai-’swipe left’, o balewalain ito ng ibang tao.
Malayong-malayo ito sa datus na naitala para sa mga iphone users.
Maliban dito, naitala din ng pag-aaral na maging ang mga gumagamit ng Airpods at Apple iWatch ay mayroon ding epekto sa laki ng posibilidad na magkaroon ng ka-date ang isang tao.
Sa mga gumagamit ng Apple iWatch, maaari umanong umabot hanggang 61% ang tyansa na mayroong mag-’swipe right’ sa mga taong ito, habang ang mga gumagamit naman ng Airpods ay nakapagtala ng 41% na posibilidad na mayroong magsa-’swipe right’ sa kanila.
Para sa publiko, lumalabas daw sa pag-aaral na mas kaakit-akit sa mga ito ang mga taong gumagamit ng iPhone, Apple iWatch, at Airpods kaya mas malaki ang posibilidad na magkaroon ang mga ito ng karelasyon.
Sa naturang pag-aaral, napag-alaman din na maituturing umanong sikat ang isang tao sa bansang London kapag mayroon itong Apple iPhone 11. Sa San Francisco, California naman, mas nakakakait umano ang mga taong nagmamay-ari ng Apple iWatch habang mas tinitingnan naman daw sa New York ang mga mayroong Airpods.
Ayon din sa pag-aaral na ito, kahit anong edad ng mga babae ay mas mapili umano ito sa kanilang mga karelasyon at kabilang na dito ang pagtingin sa mga gamit nilang mobile phone.
Sa mga lalaki naman, ang mga kabataang lalaki ang siyang mas nagiging mapili ngunit, nababawasan umano ito habang lumalaki at nagkakaedad.
Kaya naman, dahil sa mga resultang ito, pinapayuhan umano ang ilan na gustong magkarelasyon na isaalang-alang ang mga datus na nakalap mula sa pag-aaral na ito. Baka raw ito na ang maging susi upang matapos na ang pagiging ‘single’ ng isang tao.
Ngunit, para naman sa ilan, wala umano sa gamit na cellphone o gadget nababase ang tamang pagpili sa taong nais nilang makarelasyon. Nasa bawat isa pa rin umano ang huling desisyon sa tuluyang pagpili ng gusto nilang maka-date at tuluyang makarelasyon.
Source: definitelyfilipino
Source: Kiat Media
0 Comments